Napatuwid ako ng tayo at agad na humakbang patalikod. Takbo na Ronnie!
"Huwag mo sabihing natatakot ka? Sabagay..."
"S-sino ka ba?" pagkatanong ko nun ay may humakbang mula doon sa madilim na parte ng kalsada. Seriously, ilang beses ko ba kailangang dumaan sa ganitong katatakutan? Hindi naman kasi ako duwag pero sino bang tao ang hindi matatakot kung makailang beses na siyang halos muntikan ng maatake sa puso? Kung hindi prank rape, makakaencounter ng mga goon looking guys at ngayon ito na naman.
Halos manghina ang tuhod ko nung makita ko ang mukha nung lalaking asa harapan ko.
"Chris??" bumagsak ang balikat ko at nawala ang adrenaline rush na unti unting nagbibuild up sa sistema ko. "Ano namang ginagawa mo dito ng ganitong oras?" Sinukbit ko pabalik yung bag kong halos akapin ko na nang maipanangga sa katawan ko o ipanghampas sa kanya kung saka sakali mang ibang tao siya at may gawin siyang masama. Mabuti na yung nag-iingat.
"Hindi naman ako gagabihin kung maaga ka lang lumabas ng campus niyo." umikot ang mata ko sa sinabi niyang iyon."Sino ba kasing nagsabi na hintayin mo ko? Wait..." baka sabihin nitong assumera ako. "Are you actually waiting for me?" paninigurado ko. Tumango naman ito. Napatingin ito sa paligid bago ibalik sa akin ang tingin.
"Huwag tayo dito mag-usap."
Ayon sa pagkakakilala ko kay Chris or yung sinasabi nating first impression ay isa itong maginoo at masasabi kong ang layo kay Mervin dahil parang sukat pati mga ginagawa nitong desisyon. Pero sino ba naman ako? Hindi naman ako ganun kagaling bumasa ng taong ilang beses ko pa lang nakikita at nakakasama. Kaya lang..."Bat tayo andito!?" sigaw ko. Kelangan ko talagang sumigaw dahil ang ingay ingay dito sa loob ng bar. Tapos nakatakip din ako sa ilong ko dahil naghalo na ata sa amoy ng sigarilyo at alak yung hangin dito. Ang sakit sa baga.
Sa mga panahong to ay hila hila ako ni Chris baka daw kasi maiwala niya ako at ang daming taong asa daan kahit na mukhang pang-vip yung bar. Ano bang tingin nila sa akin bata? Kaya yun, derederetso siya sa kung san man siya pupunta habang hila pa rin yung kamay ko. Mabuti na lang at nakapagpalit na ako at hindi ko na suot ang uniform ng school namin. Ayoko naman na makitang andito at suot yung badge ng school. Para ko na ring inilagay sa kahihiyan yung pinapasukan ko.
"Aray ko." inda ko nung halos humampas yung mukha ko sa likod ni Chris. Bigla na lang kasing parang may tumulak sa akin mula sa likod. O sadyang parang kiti kiti yung mga sumasayaw at walang pakialam kung san tumapon yung mga balakang nila. Tss.
"You okay?" tanong niya sa akin pero mukhang sa iba naman nakatuon yung pansin niya at panay angat ng mukha at suyod sa paligid bago ibigay sa akin yung buong atensyon niya. U-moo na lang ako hindi naman ako natanggalan ng ipin sa nangyari kaya okay lang.
Matapos naming mailuwa mula sa dance floor ay doon niya ako pinaupo sa isang mataas na stool sa may bar counter.
"Just order anything you like." umiling ako.
"No thanks. Bat mo ba ako dinala dito?"
"Hmm...let me ask you a question first."
"Ako ang nauna magtanong." pansin ko namang matawa siya roon. Totoo naman. Ako unang nagtanong. Pinagbigyan ko na nga siya at sumama ako rito tapos may gana pa siyang tumawad.
"I see what he liked about you." patango tango niyang saad.
"Deretsuhin mo na lang kasi ako nang makauwi na." sabi ko naman.
Mukha pa nga siyang nag-isip kong sasabihin niya ba o hindi eh. Aba kung hindi siya magsasalita eh sinayang lang pala niya yung oras ko dito. Hindi naman ako mahilig sa mga ganitong good time eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/7158323-288-k82990.jpg)