Chapter 8: Sa harap ko pa talaga *edited*

993 23 1
                                    

"Okay guys you may pass your exercises up front"

Oo na teka lang! Masyadong nagmamadali tong nilalang na to.

"Last number na lang.. Last na talaga"

"Okay, ano ba to.. Name a guy in the class that you have a crush with and describe" ano?? medyo hindi nagregister tong last item huh. Ano ba tong sinasagutan ko. Teka nga. Ano bang sagot dito!!

"Last 5 sec guys. Chop chop or else sinco ang grade niyo" Teka lang kasi bwesit naman tong question na to. Hindi ko maintindihan!!!! <(>__<)>

"Mervin" Mervin?? Sige na nga yun na lang. Wala akong maisip ehh. Thank God may bumulong na anghel at pinagpala ako ng maisasagot.

"Complete answers daw. Isulat mo Mervin Stanley Princeton" Okay okay..Got it.

"Mer.. Mer--Vin Sta----"

"Gwapo, charismatic, killer smile, habulin ng babae"

"Teka hindi pa ako tapos sa pangalan mo"

"3"

"Ipass mo na. Dali!"

"Sige sige.. Wait lang" nirolyo ko yung textbook at hinampas ng malakas sa pagmumukha nung kanina pang bumubulong sa akin! Bwisit! Anak pala ng demonyo!

"Aray! Bat mo yun ginawa!? Tinutulungan ka na nga eh" Hinihimas himas niya yung kanang pisngi niya na may bakat ng nirolyong karton habang kinocross out ko yung sagot sa last item.

Bwisit tong mga practice exercises tulad nito. Ano to slumbook!? Who's your crush? What is love? First Kiss?? Nyeta. Pinagloloko ba nila ko?? Sayang yung binabayad sa mga manlolokong to.

"Kasalanan mo naman eh. Pakialamero" kinalabit ko yung kaklase sa harap ko para ipasa paharap yung textbook na hindi halatang slumbook sa dami ng hearts and flowers nito. (- _ -) Hindi ko na lang sinagutan yung huling item. Wala din kwenta eh.

"Pero yung totoo?? Hindi ka man lang nacucutan sa akin? Aminin mo na kasi. Promise tayong dalawa lang yung makakaalam." bulong niya habang tumitingin tingin pa sa paligid.

Tinignan ko siyang mabuti mula sa pinakadulo ng hibla ng buhok niya pababa sa mukha niya. I waved him closer kaya siya naglean forward. "Sabi na nga ba may gusto din to sa akin eh. Denial stage pa" Todo ngisi niyang nilapit yung tenga niya sa akin para pakinggan kung ano ang sasabihin ko.

Nung sobrang lapit niya na sa akin, dinampot ko agad yung tenga niya at saka pinilipit papalapit sa bibig ko. Alam kong masakit yung ginawa ko pero hindi siya sumigaw na parang babae. Buti na lang kundi patay kang bata ka. Pansin kong nagkaroon ng tensyon yung buong katawan niya nang magsimula na akong magsalita.

"Cute ka kamo?" Mahina at mabagal kong tanong

Pansin kong medyo gumuhit paitaas yung mga labi niya at saka siya unti unting tumango. "Okay di ikaw na mukhang aso" at saka ko siya binitawan at bumalik sa pakikinig dito sa taong kanina pa nagpapacharming sa harapan namin.

Ewan ko ba pero kagat na kagat tong mga babae kong kaklase sa kanya. Batang bata pa ang itsura nitong guro namin at nag-eedad ng mga 26-28 years old. Tandang tanda ko pa nga nung kauna unahan niyang pinakilala ang sarili niya.

As quoted, "Morning guys! I'll be your instructor for soc.stud., Name is Michael De Vera and I'm single, always ready to mingle" may kasama pang super sparkling white teeth na nagpalaglag sa mga panga ng mga flirts dito. Ako naman hindi maibuka ang mata nung unang kita ko sa mga ipin niya. In fairness din pantay pantay ang mga yun.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon