PROLOGUE

1K 16 0
                                    

PROLOGUE

"Perfect! Now on the side..."

"Nice."

I heard several clicks along with the flashes of lights from the cameras. I posed again for another angle and we're done.

"Congrats Ram! Ang bilis na naman nating natapos," masayang kumento ng photographer ng tumabi ako sa kanya para tignan ang mga panibagong kuha.

"Thanks! You just know all my perfect angles," bati ko din naman.

He clicked on the mouse to zoom in some of the pictures. "All angles are just perfect, you mean," balik nito sa akin.

Ngumiti na lamang ako at hindi na sumagot. For sure, he has one sack of compliments for rebutt. Agustus's one of the most-known photographer in the country and I know why. Aside from his usual complementary remarks for the artists, he's really good with his work.

"Miss Ram, ano po ang gusto mong breakfast?" Molly, my personal asstistant asks from the side.

"H'wag na Molly. Uuwi na din naman, along the way na lang." She nodded at my response then went back on packing my things.

"Oh, uuwi ka na agad? Maaga pa naman," kumento ni Agustus na narinig ang usapan namin ni Molly.

"I have an appointment by lunch, so..." He nods in my unfinished sentence then went back on checking his photographs.

The noise from the background blends with chit chats on my both sides. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago nagpasyang magpaalam na sa mga nakatrabaho sa araw na ito.

"It has always been nice working with you," ani Agustus.

"The pleasure is mine." I smiled to all the staffs who looked at me as I walk towards Molly.

It's only almost seven thirty am. My next schedule is at eleven thirty for opening of my mother's newest restaurant in Taguig.

Hindi pa tapos mag-ayos ng gamit ko si Molly nang datnan ko kaya naman tumulong na ako sa paglalagay sa bag ng iilang gamit. I don't usually bring too much abubot's to my luggage everytime I have a shoot. Tuwing ganito lang na inaabot kami ng ilang araw sa isang lugar na walang uwian.

Maganda ang tanawin ng resort na tinutuluyan namin dito sa Batangas. Sayang at hindi ko man lang na enjoy dahil medyo naging abala ang nakaraang dalawang araw.

"Maayos na po ang lahat Miss Ram," ani Molly. Kakatapos niya lang ilagay sa likod ang huling paper bag na pinaglagyan ng kung ano.

Agad-agad ay pinaandar na ni Manong Roy ang sasakyan. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata. Maya-maya pa ay nagsalita na si Molly para ipaalala sa akin ang mga susunod na gagawin.

"Meron kang dalawang araw na pahinga bago ang photoshoot sa Sorsogon. Pagkatapos ay didiretso naman tayo sa Albay para sa continuation ng shoot mo, Miss Ram..." bla, bla, hanggang doon na lang ang nasundan ko sa mga sinasabi ni Molly.

Hinihila na agad ako ng antok kahit pa wala pa namang sampung minuto kaming nasa biyahe. If there's a thing I know I'm good at aside from modeling, that is sleeping anywhere, even right now in a moving car. I am a really, really good napper.

Nang magising ako ay napansin ko ang medyo abalang kalsada. Sa pagsuyod ko sa buong lugar ay nakita ko din ang madadaanang isang sikat na fast food chain. Maging si Molly ay napuyat din siguro sa naging gig namin kung kaya naman maging siya ay sinamantala na ang pagpapahinga sa sasakyan.

"Manong, drive tru po tayo doon," ani ko sabay turo sa madadaanang fast food.

"Sige po, ma'am," kabaligtaran sa inaantok naming estado ang masiglang tugon ni Manong.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now