Chapter 13

326 5 0
                                    

Chapter 13

Lalo pang dumalang ang mga paglakataong nakikita ko si Sechan. Kung may mga pagkakataon man, madalas ay iyong kung matitiyempuhan ko siyang naglalakad sa campus.

Ang kumalat na balita tungkol sa engagement nila ni Amanda ay nawala na din sa wakas. But unfortunately, not for the reason I wanted. It only died down when everyone has just believed that it was true and that there's just no further details about that, yet because they're still, too young for marriage and that it will happen after the two has graduated in college.

Hindi ko man gusto ay pinili kong tignan na lang iyon sa mas positibong paraan. First year college pa lang naman si Sechan kaya matagal tagal pa at marami pang posibleng mangyari sa loob ng ilang taon. Kung talagang sila nga ay maaari pa din silang magkahiwalay. At isa pa ay hindi naman talaga siguradong sila nga.

Hindi pa din ako tumitigil sa pagsunod-sunod sa kaniya. Pero kahit kailan ay hindi na ulit kami nagkausap pa. Nakukuha kong makuntento sa iilang saglit na makikita ko siya.

"Hope, sama ka mamaya?" tanong sakin ni Giselle.

They're talking about mall and stuffs. Wala din naman akong gagawin kaya pumayag ako.

Galing na kami sa tatlong botique sa loob ng mall at may iilan na din akong nabili, pero ang mga kasama ko ay ganado pang tumingin sa iba.

"Oh my gosh! Hope, I really wish to have your legs," wika ni Triya na kasama din namin. I'm taller than her but her skin resembles that of a porcrlain.

Kinuha ko ang isinukat na skirt at naupo na lamang. Nagsusukat pa si Giselle sa fitting room at kami ni Triya ay nauna ng matapos.

"Triya, restroom lang ako," paalam ko ng sa tingin ko'y hindi pa matatapos si Giselle.

"Oh, sure," anito.

The floor was busy with shoppers at kahit sa comfort room ay madami ding nag-aayos. Gusto ko lang maghugas ng kamay kaya naghintay na lang ako na matapos ang babaeng naglalagay ng blush on sa sink.

Sira pala ang hand dryer nila at maging ang tissue ay naubos na at wala pang refill. Hahayaan ko na lang sanang kusang matuyo ang mga kamay ko ng may magsalita sa aking gilid.

"You can use this," nagulat ako ng makita si Amanda Vicencio na nag-aayos din sa tabi ko lamang. Inaabot niya sa akin ang dala niyang sariling tissue. Bago ko pa malaman ay hawak ko na pala ito.

"Thank you," ani ko ng tanggapin ang kaniyang ibinibigay.

Wala namang masama. Nagmamagandang loob siya at kahit naman hindi ako kumportable sa kaniya ay wala namang masamang tanggapin ito. Hindi naman talaga sa ayaw ko sa kaniya. Nagkataon lang na siya ang laging nadidikit kay Sechan.

Tinignan ko ang repleksyon niya sa salamin Maganda siya. Well, that's expected. She's also graceful and her features resembles her mother.

"That's the only thing I could give you," wika niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Wala naman akong ibang hinihingi. At isa pa ay hindi naman ako nanghingi, siya ang nag-alok. Kaya hindi ko siya maintindihan.

"I know you like Sechan," aniya na nagpalaki ng mga mata ko. "I also know that you've been following us every single chance that you have. Like now, kung kanino mo na naman siguro narinig na nandito kami kaya nandito ka din. You're very obvious. Kahit si Sechan ay naiirita na sa pagsunod-sunod mo."

Gone was her sweet aura. Her eyes gone sharp and her lips in flat line.

"But you know, unlike those tissue papers, I won't give him to you. So, as a piece of advice, tigilan mo na ang mga ginagawa mo. Stop stalking me and my fiance and start minding your own business." Pagkasabing-pagkasabi niya ay siyang paglabas niya ng restroom.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now