Chapter 2

556 10 0
                                    

Chapter 2

"Okay na po lahat, miss Ram. May gusto pa po ba kayong dalhin?" tanong ni Molly na inaayos na ang mga dadalhin kong gamit para sa ilang araw na shoot sa Bicol.

"Wala na Molly. Just in case, bibili na lang tayo doon."

As much as possible, I always try to put everything I need inside my luggage. Naroon na ang ilang pirasong damit, mga beauty essentials, pati ang mga wipes. Most of the time, hindi naman ako nagkakamali o kinakapos sa mga dinadala. Mayroon lang talagang iilang instances na kailangan pang bumili ng mga biglaang kailangan.

Gumuhit sa pandinig ko ang tunog ng zipper ng bag na dadalhin namin ng isarado ito ni Molly. I pick up my aviators and big summer hat and I'm ready to go.

Nang pababa na ng hagdan ay nakita kong papasok naman si Kuya. "San ang lakad mo ngayon?" agaran nitong tanong.

Mayroon ng sariling condo si Kuya Jeremy, pero kung minsan ay dito pa din siya sa bahay umuuwi. At minsan din, gaya ngayon ay pabisi-bisita lang ito.

They're not surprise anymore that I am travelling a lot. Who would be when my job frequently asks for it. Kaya ang karaniwan na lang na itinatanong ay ang lugar kung saan ako pupunta.

"I have a shoot in Bicol, kuya. Hindi ko pa nga pala nasasabi kila Mommy at Daddy, pag nagtanong sabihin mo na lang," pakikisuyo ko kahit na itetext ko din naman sila para ipaalam.

Hindi ako nakapagpaalam sa kanila kahapon dahil pagkagaling sa mall ay s'ya namang alis nila ng bahay at nang dumating sila ay kasaluluyan na akong natutulog bilang paghahanda.

I kissed kuya's cheek and proceeded to the door. I waved my hands at dumiretso na sa sasakyan.

My first shoot will be in some hotel in Sorsogon, pero maliban doon ay posible din kaming mapadpad sa iba't ibang lugar sa syudad.

Molly started explaining to me once more my upcoming schedules. Sa tingin ko ay alam naman niya na hindi ko natatandaan ang mga ito pero para siguro kahit papaano ay alam ko ang ieexpect ko ay ipinapaliwanag na din niya.

"Nga pala, Miss Ram. Kahapon ay may tumawag na namang international agency, alam mo na..." binitin niya ang kaniyang mga salita pero alam ko na naman ang mga kasunod noon.

Ang ibig niyang sabihin ay may gusto na namang sumubok na kuhanin ako mula sa aming agency.

My agency isn't the biggest but I'm content with how it is. It's not even international but the company is good. They treat their employees as how they deserves it and I think that's one of the best quality a company could ever have. Mayroon kasing mga kompanya na ang slogan ay tungkol sa pagtuturingang pamilya pero pag nandoon ka na ay hindi mo naman maramdamang nagyayari iyon.

For now, I don't have any plans to change my company. Pero hindi ko din naman isinasara ang posibilidad, maaring hindi lang sa ngayon.

Mataas na ang sikat ng araw ng tumuntong kami sa ka-Bicolan. I put my aviators on together with my hat. Sa likod ko naman ay si Molly na kakakuha lang ng dala naming isang pirasong maleta.

Si Molly na halos ang kumausap sa mga staff ng hotel na sumalubong sa amin. The hotel isn't five star, but I can see that it has potential. Aside from the natural view of the mountain nearby, the interior was also nice. It has an ambiance of a mixture of modern and classic design.

I'm not critically knowlegable about things such as interiors or whatsoever. I'm just judging based on my own perspective. Base na din sa dami ng napuntahang mga resort at hotel.

The hot western wind blew on my face, napahawak tuloy ako sa suot kong sumbrero.

"Dito po tayo, Miss Ram," ani Molly pagkatapos makipag-usap sa sumalubong sa aming staff.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now