Chapter 45

326 5 0
                                    

Chapter 45

Medyo naalarma ako sa sinabi ni Molly. Alam ko naman na nagpupunta si Sechan sa mga photoshoot ko noong mga unang linggo, pero iniiwasan ko siya. Kay Molly ko lang nalalaman tuwing dumadating siya.

Ang buong akala ko ay masyado na siyang naging abala kaya hindi na nakakapunta nitong nakaraan dahil wala na ding nababanggit kay Molly. Hindi ko alam na nagpupunta pa rin pala siya.

"Ang mabuti pa miss Ram. Mag-usap kayong dalawa," iyon lang at lumabas na si Molly.

Naiwan ako sa loob mag-isa.

Tama si Molly. Kailangan na naming mag-usap ni Sechan.

Mali na kulang ang kumpiyansa ko sa relasyon namin pero mali din na iwasan ko si Sechan ng dahil lang doon.

Lumabas ako pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip. Sinubukan kong isipin ang mga kailangan kong sabihin kay Sechan pero agad lang iyong nililipad ng hangin.

Nakita ko siyang nakatayo malapit sa railings at kausap si Agustus. Natunugan niya ang paglapit ko at pareho silang humarap sa akin. Nang makita ako ni Agustus ay nagpaalam na siyang umalis. Tinapik niya ako sa balikat ng lagpasan ako.

Bakas ang galit sa mga mata ni Sechan pero mas lamang ang pag-aalala.

"S-Sechan..."

"Ayos ka lang?"

"O-Oo," maikling sagot ko.

Gusto ko siyang yakapin. Parang ang tagal naming hindi nagkita dahil agad kong naramdaman na parang may nagbago sa kaniya kahit na hindi ko matukoy kung ano.

"Hindi mo na naman ako kailangang bantayan. Madami naman sila dito at-"

"At ayos lang na mabaliw ako kakaisip sa'yo?" putol niya sa akin.

Natigilan ako doon. Lumapit ako pero nahihirapan akong tignan siya.

"Sechan, ayos lang naman ako dito. Aksidente lang naman yung kanina."

"Muntik ka ng mapahamak," may galit na sambit niya.

"Madami namang staff na tutulong. At saka, marunong naman akong lumangoy."

"Pero hindi ka lumangoy kanina!" Madiin niyang puna.

Tama siya, hindi nga agad ako nakalangoy kanina. Pero nagulat lang naman kasi ako.

"Nagulat lang ako!"

He looked away.

"Let's go back," he said.

Nag-init agad ang gilid ng mga mata ko. I miss him, so much. Para akong tanga. Iniiwasan ko siya. Iniiwasan ko ang bagay na matagal ko ng ginugusto.

"I'm sorry," hindi ko napigil ang tumatakas na mga hikbi.

"I'm sorry." Siya ang nagsara ng distansya namin at agad akong binalot ng init ng yakap niya.

Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong kapayapaan.

Niyakap ko siya pabalik habang umiiyak sa balikat niya. "I'm sorry, Sechan."

"Shhh... It's okay. It's okay, honey," he whispered so sofly.

Wala na siyang ibang sinabi. Nanatili kaming nakatayo sa unahan ng yate. Sinasalubong ng malakas na tama ng hangin sa ilalim ng sikat ng araw. Magkayakap, tahimik na pinadarama ang pagmamahal namin sa isa't isa.

I was never vocal to him. Kahit na may relasyon na kami ay hindi ko palaging nasasabi na mahal ko siya. Hindi ko nga alam kung nasabi ko na ba iyon sa kaniya. Hindi pa ata.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now