Chapter 40

320 8 0
                                    

Chapter 40

Dumagdag sa kaba ko ang mga sinagot ni Cherry.

"Oo, miss Ram. Natanggal ang strap ng sandals ko kanina pagkalabas ko pa lang ng pintuan kaya inayos ko pa. Hindi mo na nakita kasi sinarado ko na yung pinto. Yumuko ako at wala akong nakitang bulaklak."

Hindi ko napigilan ang pagkalaglag ng panga ko.

"Si-Sinarado mo ang pinto kanina?" gulat kong tanong.

Mas lalo siyang nagtaka. "Cherry, sigurado ka bang sinara mo?" nagmamadaling tanong ko ulit.

"Oo, miss Ram. Sigurado ako."

Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Ano bang nangyayari? Kanina, tumayo ako para isarado ang pinto na inakala kong nakalimutang isara ni Cherry at doon ko nakita ang sunflower sa lapag.

Kung iniwan iyon pagkalabas niya, nasa limang minuto lang ang pagitan noon sa pagtayo ko.

Kung binuksan ng naglagay noon ang pinto, ibig sabihin ay nakita niyang ako lang ang nasa loob. Kung ganoon ay para sa akin nga talaga ang bulaklak... at ang mensaheng nakalagay dito. Sino ang naglagay noon kung ganoon?

Sino ba ang pumunta sa dressing room o dumaan noong mag-isa lang ako?

"May problema ba, miss Ram?" tanong ni Cherry.

I haven't composed myself yet, at naiintindihan komg nagtataka na siya sa akin kanina pa.

"W-Wala naman. Ayos lang ako..." sagot ko sa kaniya.

"Okay, sige. Sunod ka na lang sa studio. Nga pala, hindi ka ba nakita nung staff na inutusan ni sir Agustus para tawagin ka kanina?"

Pinatawag ako ni Agustus?

"Wala pang tumatawag sa akin," mabagal na sagot ko.

"Ah, lumabas ka ba? Baka wala ka nung pinuntahan ka dito. Sa studio kasi ako nagpunta para icheck kung malapit na ako. Narinig kong pinapatawag ka na ni sir Agustus noon dahil ikaw na ang kukuhanan."

"Pero hi-hindi naman ako lumabas ng dressing room."

"Talaga? Bakit kaya hindi ka tinawag... May uutusan na nga sana siya ulit pero dahil mamaya pa pala ako sinabi kong babalik na muna ako dito at ako na lang ang tatawag sa'yo," pagkukwento ni Cherry.

Halos wala ako sa sarili habang nagshoo-shoot. Nakakailang pilig na ako ng ulo ko pero hindi ko matanggal ang kabang nararamdaman ko.

It doesn't show, though.

Hindi ako sigurado kung maayos ba talaga ang nagagawa ko dahil wala ako sa sarili o masyado lang mabait si Agustus.

"Nice shot, Ramona. Break ka muna," anunsyo ni Agustus pagkatapos ng panlimang bag.

"You know what, nanghihinayang talaga ako. Ayaw mo ba talagang igrab ang opportunity na inooffer ni boss?" si Agustus.

Lumilipad ang isip ko pero nadistract ako ng tanong niya. Mabuti naman.

He's talking about the international offer.

"She gave me a month to decide but I already declined. Masaya naman ako dito."

Nangingiti siyang umiiling-iling sa naging sagot ko. I know, he's so used to my answer.

"I wonder if that would really not change."

"Probably, not," nakangiti ko ding sagot kahit na bahagya pa ding lutang ang isip.

"As much as I want to capture your boosting growth here, I know so well that you could be better abroad," bakas kay Agustus ang panghihinayang.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now