Chapter 9

332 7 0
                                    

Chapter 9

I was left dumbfounded.

Ramdam ko ang pamamahiya niya sa akin. Kahit pa wala namang inimik si Amanda ay alam kong ramdam niya ang pamamahiya sa akin ni Sechan.

Ngayon ko naisip kung bakit nga ba ako nandito.

I was so eager to know Sechan's whereabouts that when I finally got to know where it was, I didn't think twice to go there.

Pero ngayon, ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit ko siya sinundan, kung bakit ko siya hinanap at gustong makita? Anong dahilan ko sa lahat ng mga pinaggagagawa ko ng mga nakaraang linggo.

I have weird and unusual activities for the past weeks at ngayon ko lang naitanong sa sarili ang dahilan para sa lahat ng iyon, sa lahat ng ito.

Why am I so curious about him? Why am I looking for him all the time? Gustong-gusto ko siyang nakikita. Masaya ako kapag nararamdaman ko ang presensya niya. Even his snobbish expression, his hair, his face, his lips... and eyes. I like it all.

Do I... like him?

Ganito ba iyon? Am I that grateful for the help he has done to me?

Bakit pakiramdam ko hindi...

Yes, I am grateful for his help but that isn't the first time that someone had helped me. But this is the first time I did these crazy things. And I know, I'm beyond... grateful.

Am I in love?

Gusto kong batukan ang sarili para sa nabuong katanungan. Ganito ba ang pakiramdam ng in love, or maybe I am just infatuated. It felt so raw and new to me... and I don't think I can stop it very, very soon.

"Your are missing for two hours," madilim pa ding tinig ni Sechan.

Hindi ko pa din maisip kung papaanong nandito din siya sa may talon. At ako nawawala? Of course not.

"What do you mean? Nandito lang naman ako," sagot ko kahit na nagtataka pa din sa presensya niya dito. "Ikaw, bakit ka ba nandito?" tanong ko para mawala na ang kuryosidad.

"Your P. A asked our security team for help to find you. You didn't tell her where you are." That's not a question. He said that with utmost certainty.

"I-I... I..." wala akong masabi. Kinapa ko ang kinalalagyan ng cellphone ko at tsaka ko lang nakita ang oras na hatinggabi na. Nakapatay pa ito kaya kung tinawagan nga ako ni Molly ay hindi ko malalaman. Hindi ko namalayan na halos dalawang oras na akong nakatulog sa ibaba ng talon kahit pa hindi kumportable ang pwesto.

Gaya nga ng sinabi ko, I'm a good sleeper.

"Tatawagan ko na si Mo-Molly..." Shit!

Akala ko ba ang security ang hiningan ng tulong ni Molly, e bakit siya ang nandirito ngayon?

"No need, I already called her," putol ni Sechan sa gagawin ko.

Ibinaba ko ang hawak na cellphone at naglakas loob na tumingin sa kaniya. Pakiramdam ko ay ngayon ko lang ulit siya natignan ng ganito kalapit. Kahit sa dilim ay lutang na lutang ang mga features niya. Sobrang lapit na naaamoy ko na ang hininga niya. Ang bango... nakakaadik. Parang ang sarap-

Nag-iwas ako ng tingin at pinutol na ang kung anu-ano na namang naiisip. Hindi ka na nadala Ramona!

"B-babalik na lang ako kung ganoon," anuutal ko pang sabi.

Gone was the fierce Ramona. Sa tingin ko ay sa mga shoot ko na lang iyon nagagawa. Dahil pagdating kay Sechan ay nawawala ang lahat ng tapang at lakas ng loob ko. At times like this, I hope I have the spirit of my teenage years. Fiercer, braver... fearless.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now