Chapter 24

315 7 0
                                    

Chapter 24

I wouldn't say I have no regrets at all. Madami. Nagsisisi ako na naging immature ako. Nagsisisi din ako na hanggang doon lang ako.

I tried dating boys. Baka kasi isa ito sa mga hindi ko ginawa para sa sarili ko. Sa kakahabol ko sa isang tao hindi ko na napansin na marami pa naman diyang iba.

May mga naging boyfriend din ako pero wala namang nagtatagal. Ang pinakamatagal na ata ay noong umabot kami ng dalawang taon. He broke up with me. For the reason that he knows I don't love him much. To be honest, he's right.

Totoo na hindi ko siya magawang mahalin ng lubos. Para kasing nakalimutan ko na din kung papaano gawin 'yon. I would enter relationships like a routine, like a trend. Not because of love. Unfair to them, yes. But I got into the time where I rather be bad just to search for myself again.

Pero mali iyon. My longest relationship opened my eyes to that. Luckily, Vaughn Samaniego, my ex, was very open minded. He didn't forced me to to like him or to even stay with him. He decided to let me go with no hard feelings and he's so cool doing that. Kaya pa kahit na break na kami ay walang awkwardness sa pagitan naming dalawa kahit sa mga projects. Isa din kasi siyang modelo, although mas nagfofocus siya sa family business nila kaya ma madalas kaming magkita.

I accepted so many projects it had helped me improved my skills. I became a face of many brands and some top agency abroad even sent me an invite to go to their go sees. At sa mga pagkakataong ganoon ay alam na ni Molly ang sagot ko.

I would always decline. It may not be a smart decision if you're wanting to boost your career I know but right now, I'm just so happy with my local agency.

Dapat ay masaya na ako ngayon. Dapat ay kuntento na ako. Pero sinong niloloko ko?

Hindi ko masabing may kulang. Sa tingin ko ay mas kaya kong sabihin na may nawawala, if that even make sense.

Kaliwa't kanan ang mga dumadating na balita sa akin tungkol kay Sechan. My parents think that what I did was just out of my youth drive. Nang tumagal ay hindi na din ito napapag-usapan. Pero iba ang sitwasyon pagdating kay kuya.

It's like he knows something I do not. O minsan pakiramdam ko ay talagang kilalang kilala niya lang ako.

He won't talk to me about what happened but his silence is sometimes more than his unspoken questions. I just happened that he knows how I'm head over heels to Sechan. One day, I just realized he knows how I feel towards the youngest of the Russo.

"You know, I saw him... sa club, and he's not alone."

He would tell me those things out of nowhere. Sa dalas ay minsan iniisip kong sinasadya niyang makibalita kay Sechan para balitaan din ako.

I would ignore him and he wouldn't mind. It's like it has just become his habit over the time.

Pero may mga punto pa ding hindi ko maitangging apektado pa rin ako.

Hindi na kami ulit nagkausap. I didn't tried, hindi ako sigurado kung ganoon din siya. Pero sa tagal na ng mangyari ang lahat ay baka nga hindi naman niya sinubukang kausapin ako. I held to that thought.

Ilang beses kong kinailangang isaksak sa sarili ko na wala siyang pakialam sa akin. The end.

Hangga't maaari ay ayaw ko siyang makasalamuha pero may mga pagkakataon pa rin talagang hindi maiiwasan.

It was his parents grand anniversary when I saw him again. We didn't talked, though. He was so busy accompanying the other families, lalo na ang mga Vicencio na nasa unahan.

May iilan-ilan pa ding nakakaalala sa mga balita tungkol sa amin. Sa isang party ay nakuhang tumabang ng timpla ko ng umpisahan ang tungkol sa topic na iyon. Some would ask if that's true, if I really did lied, but there were also those who will judge easily.

Natutunan ko na ding tanggapin na hindi iyon agad-agad o tuluyang mawawala sa isip ng mga tao. I was a big news after all. Kung tutuusin ay maswerte na lang din talaga ako na hindi naging mahirap sa akin ang lumabas muli at makihalubilo pagkatapos ng mga nangyari. Wala akong alam kung ano ang napag-usapan nila Daddy noong pumunta sila kila Sechan pero pagkatapos noon ay unti-unti ng humupa ang lahat.

Seeing him again months after in my parents restaurant opening was a surprise.

Something about him had changed. Not sure if it's his physique or his appeal, I just know.

And that's why I can't tore my eyes off him until Kuya Jeremy noticed it. Kung sinabi ni kuya na masyado akong halata ay baka nga hindi ko napansin na nakatitig na pala ako kay Sechan.

I should be normal even around him. I shouldn't be affected anymore. It's been ages and I can see how he's moved on. Ako na lang ang napag-iiwanan. I can fool everyone that I have but not myself.

Kahit anong gawin ko ay hindi ko pa din maiwasang maging apektado. I have learned the art of pretending. Fake it until you make it. Fake it until you yourself believe on it. Iyon ang iniisip ko.

Ganoon naman diba? Naniwala nga akong pwede kami, e. Naniwala ako ng sobra ng iparamdam niyang pwede naman. Halos maniwala na nga ako na hindi kami sa kasinungalingan nagsimula.

Kahit sarili ko ay niloloko ko na. But hey, wake up, Ramona. Everything's nothing but a lie. I lied to him and to everybody else. No matter how he made me think that I did not, I know I did.

Nagsinungaling ako tungkol sa amin. That's the fact.

In his eyes, maybe he can see me as no good but a liar. Kaya nga mabilis din akong maetsapwera. Wala siyang mapapala sa isang sinungaling.

Mas madali sana kung hindi ko na lang siya makikita. Kung hindi na magkukrus ang mga landas naming dalawa. Pero tignan mo nga naman at sa hotel pa nila sa Bicol kami nagpunta.

Like I said, I'm a great pretender. Kaya pinatunayan ko iyon ng pilitin kong sabayan siya sa pagiging kaswal sa isa't isa.

Naging abala ako ng mga sumunod na araw. Patuloy pa din akong nakakatanggap ng mga texts galing kay Steven. Noong una ay humihingi siya ng tawad para sa mga inasal niya. Pero nitong huli, mas nagiging kakaiba ang mga messages niya.

Steven:
I know from the beginning that you like me, Ram. I admit, nagkamali ako but that's because you keep on denying me.

I turned off my phone after reading his last message.

Seriously, I didn't know how he come up with that thinking. I worked with him just the same with the others. Ako ba ang mali? Hindi ko masabing ako nga dahil simula't sapul ay sigurado ako sa pakay ko. Tanging trabaho lang ang naiisip ko sa mga panahong iniisip ni Steven na may espesyal akong pinapakita sa kaniya.

I have made the biggest lie I could ever done. Hindi ko na inulit pa iyon. Sinigurado ko na magiging tapat ako sa lahat. Ayokong madikitan pang muli ng mga kasinungalingan.

"We're really sorry dear."

One of my boss personally meet up with me to apologize for what happened to my shool which I really really appreciate. That's just so nice of her. Aside from that, she also mentioned that the partnership to international company of ours are getting on the way smoothly.

Hindi naman talaga dinidisclose sa amin ang mga ganoong bagay pero may iba siyang dahilan. She wanted me to be one of the first few models to fly abroad and work there for a while. Hindi ako nakasagot. Ayokong magpabigla-bigla lalo na at wala naman iyon sa plano ko.

"For what fitting is next, Molly?"

"Johanns Cartuer," sagot ni Molly.

Iyon na ang huling schedule ko para sa araw na ito at pagkatapos ay hawak ko na ang oras ko. Habang inaayusan ako ng buhok ay nakita kong inuupdate ni Molly ang aking mga social media accounts. Minsan ay ako ang gumagawa noon pero madalas ay siya. She posted a behind the scene picture of myself.

"Good job," I heard someone said. That's the cue to wrap up.

This day is tiring. Dahil naputol ang araw ko sa Bicol, imbes na umunti ang schedule ko ay lalo itong dumami dahil sa mga isiningit.

"Gusto mong samahan kita, miss Ram?" tanong ni Molly na alam ang gagawin ko.

Umiling ako. "Hindi na, Molly. You're tired, too. Mabilis lang naman ako."

Alright, let's go and relax.

...

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now