Chapter 30

349 5 0
                                    

Chapter 30

"Was he rude to you?"

Nauuna na akong maglakad kay Sechan papuntang parking lot. Tahimik lang siyang nakasunod sa akin kanina pero ngayon ay nagtatanong na.

I think that's why I can only be a model and not an actress. I can't perfectly put a facade whenever I'm bothered. I can only be fierce in pictures but most of the time feeble in person.

"No..."

"You seemed bothered."

"I-I'm fine. Nabigla lang siguro ako sa lahat ng nangyari."

Totoo namang nabigla ako sa lahat pero ang talagang bumabagabag sa akin ay ang mga salitang binitiwan ni Steven.

Naiisip ko kasing baka nga tama siya. Magkapareho nga lang talaga kaming dalawa. Kahit ayokong tanggapin ay iyon ang totoo.

"Nasan pala si kuya?" Ngayon ko lang naalala na kasama nga pala namin si kuya pero ngayon ay wala siya.

"Someone called him," tugon ni Sechan.

"Ah..." baka sa trabaho. Nag-alala tuloy ako na baka masyado na akong nakakaabala. "Ikaw? Wala ka pa bang gagawin ngayon? Alam kong busy ka. Kaya ko na naman 'to."

"Pinapaalis mo na ba ako?"

"Huh? Ah... hindi... syempre hindi. Nag-aalala lang naman ako na baka matambakan ka ng trabaho," tarantang sagot ko.

Bakit naman kasi niya naisip na pinapaalis ko siya e, siya nga itong napakalaki ng naitulong sa akin.

"Muntik ko ng makalimutan... Maraming salamat sa lahat ng tulong mo. You don't really have to, but... thank you... for everything."

Huminga ako ng malalim. Para akong isdang iniahon mula sa tubig. It's so hard to maintain an eye contact to him. I would always feel... intimidated.

"I'm always here for you. I will protect you."

Lalo akong kinakapos ng hininga. Ang dami ng nangyari ngayong araw at kung dadagdag pa ang nararamdaman ko ay baka di na ko makatulog mamaya.

"T-Thank you, then. Uhm, wala ka pa bang... gagawin ngayon? Sa trabaho?"

I don't think I can calmly stand still with him for so long. I would always feel something strange even with an inappropriate timing like this.

"You really want me to go, huh?" he said with a smirk, yet with a flat sound.

Hindi naman sa ganoon pero...

"H-hindi naman talaga, kaya lang-"

"Nandiyan na pala kayo. Bumalik pa ako sa loob, I thought you're still there. Ngayon Ramona, what did you talked about with that bastard?"

Sunod-sunod na sabi ni kuya na bahagya pang tumakbo papalapit sa amin.

Save by the bell! I guess...

"Kuya, tinanong ko lang siya," sagot ko sabay iwas ng tingin kay Sechan na nakatitig pa din sa akin.

Kay kuya na lang ako tumingin. Sechan's staring at me like I did something clever and he caught me.

"Alright then I wouldn't ask more. Let's just talk about the case you'll file against him."

"I won't file anything, kuya." I said firmly.

Nagulat si kuya sa sinabi ko at marahas na tumingin sa akin. "What?!" singhal niya sa akin. "Are you out of your mind, Ramona!"

Kita ko rin sa gilid ng mata ko ang pagtuwid ng tayo ni Sechan dahil sa sinabi ko.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now