Chapter 12

329 7 0
                                    

Chapter 12

Somehow, I can understand Steven. The feeling of rejection, being unwanted... I know how it feel.

Love, is a wonderful feeling, indeed. It can put you in cloud nine and it can make you feel like nothing could ever go wrong. However, when it gets overshadowed by other feelings like... hatred, envy, anger and the other similar things, it could lead you to evil, too.

Malalaman mo na lang kung gaano ka na kalala kapag nagawa mo na ang gulo. Kapag nagkamali ka na.

Alam na alam ko iyon. And I learned the hard way.

"I can't believe you," may halong poot na sambit ni Steven. "You're lying, right? Nagpapakipot ka lang ba? Nagpapahard to get?" pakumplikadong pakomplikadong pagtatanong pa ni Steven.

He's getting way up high with his delusions. Alam kong masakit ang matanggihan. Pero mas masakit ang umasa sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan.

If there is one trait I treasured the most, that would probably my stand in being true to myself.

I don't lie to get likes. I don't lie in exchange of favor.

I let myself be me.

Ayokong may umasa sa akin ng isang bagay na hindi ko naman kayang ibigay.

"And another thing... I don't want to continue the shoot. H'wag kang mag-alala, ako na ang kausap sa management. Ipapaliwanag ko ng mabuti sa kanila ang nangyari. So, I hope that you won't do anything that could make our situation even worst. Ayokong may ilala pa ang mga pwede kong sabihin tungkol sa iyo."

Steven went stormed out if the resto. Hindi ko siya pinigilan. Naiintindihan ko ang reaksyon niya at umaasa lang ako na ganoon din siya sa akin.

"You did great," mababang tonong biglang kumento ni Sechan.

"Sinabi ko lang ang... totoo."

Tumango siya. Ngayon ko naisip kung ano kaya ang iniisip niya sa akin ngayon.

Naniniwala kaya siya sa mga pinagsasabi ko? O iniisip niyang isa lang ito sa marami kong kasinungalingan.

Sa lahat ng tao sa mundo, siya ang pinakanakakaalam kung gaano ako kasinungaling. But his eyes, as it bore unto me, it tells nothing but trust to the words I've said.

"This might be my last day here. Hindi ko na itutuloy ang shoot," hindi ko alam pero ipinaalam ko iyon sa kaniya. Kahit pa sa tingin ko ay narinig na din naman niya kanina.

"You can stay for a while, and rest," alok niya.

Gusto ko rin iyon. Pero madami akong kailangang asikasuhin pagbalik sa Metro.

Mainit. Agad kong isinuot ang aking aviator para proteksyunan ang mga mata sa nakasisilaw na init ng araw. Kakatapos ko lang kausapin ang agency tungkol sa nangyaring pagkakatigil ng shoot namin sa Bicol.

They asked me details about it but they didn't dig deeper anymore, just the necessary ones which I appreciate, so much.

Sa labas lamang ng aming agency ay mayroong isang sikat na café. Nanuyo tuloy ang lalamunan ko para sa ice coffee.

Tumunog ang palamuting nakasabit sa may pintuan pagkapasok ko sa loob. Humalimuyak agad ang amoy ng kape. May iilang napatingin sa pagpasok ko at may ilan ding kapwa modelo ang bumati.

"I thought you'd stay a little longer in Sorsogon. Natapos agad?" tanong ng isa sa madalas kong makasama sa ilang magazine shoot.

I don't want to spread stories kaya tinapos ko na lang din agad ang usapan ng walang binabanggit na kahit ano tungkol sa nangyari.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now