Chapter 16

318 3 0
                                    

Chapter 16

"Kaibigan mo pala ang kapatid ni Anthony, uhm, halatang may gusto siya sa'yo. Hindi ka ba nag-aalala sa iisipin ni Amanda?" pati ako ay halos mabilaukan sa sarili kong tanong.

Since when did I ever had a concern about how Amanda would feel.

Tumaas ang dalawang kilay niya at muli na namang lumabas ang ekspresyon niyang akala mo'y may katawa-tawa.

"W-Well, of course you don't! I know she would understand," pagkontra ko sa una kong sinabi.

"She had nothing to worry about," he said a matter of factly.

Is that how mature relationship goes? Well, are they mature already? Sechan looks so mature, not just with his physique but also with his overall characteristic. Amanda, O don't know, I don't know her that much. But is that really how it goes? That even when you heard that your fiancé was with other girls, you would just try to understand because you trust him? You love him?

Kung ganoon ay baka nga hindi pa ako nagmamature. Dahil kung ako si Amanda at may narinig akong ganoon ay baka nag-away na agad kami.

Hindi pa namin natatapos ang agahan ay dumating na si kuya. Hindi na niya ako nagawang hintayin sa lobby at siya na mismo ang umakyat.

"What the hell are you thinking, Ramona Hope!" galit na bulyaw sa akin ni kuya.

I know I'm at fault so, I let him burst out his lost of patience.

Pero nakakahiya na hindi lang kaming dalawa ang naririto. Naririnig ni Sechan kung papaano ako sigawan ng kapatid ko at doon ako nahihiya.

How petty that I was thinking about maturity a while ago and now, here I am, getting scolded like an elementary kid.

"Mali na pinagbigyan ka nila Daddy. Kung nandoon lang ako ay hindi ako papayag. At ngayon ay alam mo na kung bakit!" umuusok ang ilong na sigaw pa din ni kuya.

"Sorry na, kuya. Hindi ko naman sinasadya-"

"Hindi sinasadya! How come, Ramona?! Ano, hindi mo sinasadya na uminom ng higit pa sa pwede at kaya mo? Pasalamat ka na lang at itong si Mr. Russo ang nakakita sa iyo at kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari!"

Kuya Jeremy's playful to me most of the time. Sometimes, he's even my partner in crime. Pero sa mga pagkakataong ganito ay alam kong seryoso siya. Minsan nga ay mas istrikto pa siya sa mga magulang namin. Totoo ng sinabi niya na kung nandoon siya noong nagpaalam akong pupunta at magtatagal sa birthday ni Anthony ay hindi niya ako papayagan. Kaya nga sinamantala kong magpaalam noong wala siya.

You know, it's hard to be the only daughter, and more so, when you have a protective older brother. Sweet as it may sound but there are times that it's annoying.

Nagpaalam na kami kay Sechan. Kuya was so grateful to him. Gusto pa nga niyang ihatid namin ito sa sasakyan pero tumanggi na siya at nauna na kaming umalis ng hotel ni kuya Jeremy.

Habang nasa kotse ay hindi pa din siya tumitigil sa pagpapangaral sa akin. Mommy, Daddy, please spare me with big brother's wrath...

"I didn't agree that you two shared a room but since I know their family and that guy's reputation, I understand why he has to do that. But still, I want to know straight from your mouth that you didn't do anything stupid-"

"Of course, not kuya!" ngayon ay ako naman ang sumigaw sa kaniya.

He pushed me back to my seat at ipinilig ang ulo niya.

"H'wag kang sumigaw sa tenga ko," reklamo niya.

"Ayusin mo kasi mga tanong mo," reklamo ko din.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now