Chapter 31

329 6 0
                                    

Chapter 31

Steven got fired, totally. Our boss personally called me to tell me the news. Even them disagree with me but in the end, ako pa din ang nasunod.

"Okay," was the only word I got from Sechan when I called him.

It ended that way. Everything resumed within that day, too.

Agad akong pinalibutan ng mga staff maging ni Molly ng dumating ako. Kita ko sa kanila ang pag-aalala ng salubungin ako nila ako ng mga tanong.

"Miss Ram, talaga bang kaya mo ng magtrabaho ngayon? Maiintindihan naman nila kung hindi muna," si Molly.

I smiled to assure her I am fine. "Maayos na maayos ako, Molly. Salamat nga pala sa pag-aayos lang lahat dito."

"Okay, kung iyan ang gusto mo. Naintindihan naman ng lahat ang nangyari. Pasensya na pala kung hindi na kita nabantayan."

Umiling ako. That will never be her fault. In fact, I'm very thankful to her. She's also a friend to me. Tulog pa nga ako ng bumisita siya, e.

Today is our last day of photoshoot here in Boracay.

Sa sobrang busy ng mga nakaraang araw ay hindi ko na masyadong napansin ang ganda ng isla. The famous white sand beach is touching my foot as I sat on my personal chair.

The crystal blue water is tempting but unfortunately, I don't have a time to play in there. We only have couple of minutes break the we'll resume.

Habang iniikot ko ang mata sa buong lugar ay nakita ko din ang hotel kung saan ako dinala ni Sechan. Malapit lang kasi talaga sa hotel namin, ilang hakbang lang. I wonder if he's still there? Siguro ay wala na. Malamang ay bumalik na siya sa Maynila.

"Miss Ram..." ngiting-ngiti si Molly habang lumalapit sa akin.

May dala-dala siyang boquet ng bulaklak na agad din niyang ibinigay sa akin.

"Kanino galing?" Usually I'll have those in a backstage or when there's an even but not really in an open photoshoot.

"May card, miss Ram," I saw how Molly bit her lip a little. Excited sa magiging reaksyon ko.

Like what she said, there is a card.

I glance at Molly once for her unusual reaction before I open the card.

I'm flying back to Manila later today. Lunch? - S.Russo

Natutop ko ang labi ko. Kakaisip ko pa lang sa kaniya, ah. Tapos ngayon ay may pabulaklak pa.

"Mukha talagang seryoso siya panliligaw sa'yo, miss Ram," kumento ni Molly.

For years that I've been with her, madaming beses na siyang naghatid sa akin ng mga bulaklak from my suitor, but this is the first time I saw her blush and genuinely happy about it. Kinikilig talaga siya.

Tumikhim ako. "Kailan niya to ibinigay?"

I tried to sound normal kahit na pati ako ay nahahawa na kay Molly.

Oo nga pala, sinabi niya na manliligaw siya. He's still at it, huh?

"Ngayon, ngayon lang. Lalapitan ka sana kaso ayaw makaabala," sagot ni Molly.

Ngayon lang? Luminga-linga ako.

There! I saw him. Naglalakad pa lang siya pabalik sa hotel.

Tumayo agad ako at pinagpag ang mga buhanging dumikit sa binti. Hindi ko na siya tinawag dahil madami ang makakarinig. Bibilisan ko na lang ang lakad para maabutan ko siya.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now