Chapter 8

355 8 0
                                    

Chapter 8

Kahit pa hindi ko na siya nakikita pa sa cafeteria ay hindi na rin ako natigil sa pagtambay doon tuwing break o mga oras na dapat sana ay ipinupunta ko sa library.

Iniisip kong dahil na rin siguro nakasanayan ko na pero sa kabila ng utak ko ay alam kong pinipili ko ang cafeteria dahil doon ako nakakasagap ng mga balita tungkol sa kanya. It has been two weeks or more that I haven't seen him here. Kaya umaasa na lang ako sa mga balita tungkol sa kanya, good thing he's popular.

He's ahead of me by two years at ngayon ngang sophomore na ako ay graduating na siya. We have various courses here in the university so I hope he would still study in here. If so, then I'll still have more chance of seeing him rather than if he'll transfer to other school.

Nagsisimula ng umingay sa loob ng cafeteria kaya isinara ko na ang librong binabasa. Maya-maya pa ay siguradong mas iingay pa.

Hindi naman ako nagkamali dahil nagsimula na ngang dumagsa ang mga estudyante. Then the noises suddenly had a common denominator.

Parang naging bubuyog ang mga estudyante ng magsimula silang magbulungan ng magbulungan buhat ng pumasok ang isang maganda at bagong transferee sa school. Amanda Vicencio.

Ayon sa narinig ko ay ito daw ang girlfriend ni Sechan. Kahit kailan daw ay hindi pa nagkagirlfriend si Sechan o nagstick to one man lang kahit sa mga flings. They said he's good at multi-tasking with girls and that he replace them as quick as he changes his clothes, and what can I say? I have proven that right.

Pero ngayon ay bigla na lang siyang nagbago. May ilang ulit na daw silang kaitang nagdedate ni Amanda Vicencio kaya kumalat ang usap-usapang nobya niya ito at si Amanda daw ang tumapos sa pagiging playboy niya.

She's beautiful, that's a fact. She rocks even in our school uniform. All her bags were of a designers and she's good in styling even funky jewelries. Hindi naman masyadong naiiba sa mga babaeng nalilink kay Sechan na puro magaganda rin.

Kaya ano ang espesyal kay Amanda Vicencio na 'nagpatino' daw kay Sechan?

Hindi siya nagtagal sa cafeteria may binili lang ata at kasabay ng pag-alis niya ay ang unti-unti ding paghupa ng mga usap-usapan tungkol sa kanya.

It's not hard to get information about her. She belongs to the socialite, being an only daughter of the newly elected governor and former actress mother. She's active in social media, too. All in all, she's like an open book to everyone.

Days after days, sa isang buwan ay dalawa o tatlong beses ko lang ata naabutan si Sechan sa cafeteria. Kapag dumadating pa ako ay paalis naman siya. I already know his new hang out place. Dati ay paiba-iba kaya mahirap malaman pero ngayon ay hindi na. At doon ako didiretso mamayang uwian.

I was bored as hell listening to my teacher talking to the board. Gusto ko ng hilahin ang mga kamay ng orasan para bumilis ang oras at mag-uwian na. Nang matapos ang klase ay mabilis akong tumayo para makaalis na. Sinadya kong sikupin na ang mga gamit ko bago pa man matapos ang klase ng sa ganoon ay tumulin ang kilos ko.

I've heard in the cafeteria that Sechan has been lurking around in a book café near the university. There were actually three nearby book cafe in the university. Good thing they mentioned the name. Mahirap ang umasa lang sa mga naririnig pero ayoko din namang may makalalam ng mga pinaggagagawa ko. Pag nakarating pa kay kuya ay paniguradong lagot ako.

Dahil malapit lang naman ay naglakad na lang ako para hindi na mamasahe pa. Hindi pa ako nagpapasundo sa driver namin kaya wala pa din akong sasakyan.

Lumiko ako sa kaliwang kanto ng eskuwelahan at agad ko ngang nakita ang narinig kong pangalan ng café.

Pumasok ako sa loob at nagpanggap na customer. Well, I intend to buy from their menu, too to have a strong alibi so technically, I am a customer.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now