Chapter 38

311 5 0
                                    

Chapter 38

Ang bagal ng oras habang hinihintay kong umorder si Sechan kahit na pagtingin ko sa orasan ay wala pa ngang tatlong minuto ang lumilipas.

"What do you want to eat?"

Ibinaba niya ang menu para tanungin ako.

"Ikaw na lang ang nagdecide." Dahil hindi ko din naman nakita kung ano ang meron.

"Alright then, two order of your steak and this," yumuko pa ang waitress papalapit kay Sechan para makita ang idinadagdag nito kahit na sa tingin ko ay hindi naman kailangan.

She's almost offering her boobs to him. The hell?!

"Give us aroz-"

"That's all!"

Pinutol ko na ang pagdadagdag pa sana ng order ni Sechan. Damn, mabuti na lang at may pagkaconservative ang itim na uniform  nila dito, kung hindi ay- uhh! What am I thinking?

Nagulat si Sechan sa inasal ko pero ang waitress ay mukhang walang pakialam. Hindi pa din siya tumatayo ng tuwid!

Napansin na iyon ni Sechan at itinaas niya ang kamay bilang senyas sa babae.

"I don't want to go home late."

"Alright, that's all then."

Sa wakas ay umalis na ang waitress sa harapan ko. Alam kong hindi naman mapipigilan na may tumingin o magpapansin pa nga kay Sechan. He is very attractive and charismatic its inevitable. But to purposely ignore me... that's an insult!

Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Pasalamat na nga ako at iba na ang nagserve ng pagkain. Napansin naman iyon ni Sechan.

"You're silent. Is there a problem?"

"Nothing."

"Sure?"

"I am!"

Inirapan ko siya habang ngumunguya. I can't appreciate the food. Masyadong bitter ang pakiramdam ko.

Paano kung sa trabaho niya ay may mga ganoong babae din?

Sechan was a playboy. I knew that very well and it didn't really matter to that much before. Syempre naman, ni hindi nga niya ako mapansin noon, diba? Mas iniisip ko pa noon kung papaano niya ako mapapansin kaysa ang mga babae niya.

Papansin. I pouted when I realized that I may be just like the girl before. Back when I can't reach him like this.

Ganito din kaya ang pagkainis na naramdaman ni Amanda noong nakita niya kaming magkausap ni Sechan noon sa coffee shop sa labas ng school? Inis na inis ba siya kaya pinag-initan niya ako? Siguro nga. And all of that is getting back at me.

"Don't worry, if you're finish you can tell me and I'll take you home." Iniisip niya na pag-uwi ang nasa isip ko.

Ayaw ko ng pansinin pero mahirap ignorahin ang pag-aalala niya sa akin.

"I'm fine. You should eat well." I said.

Naubos ko na ang tubig ko at ng makita niya iyon ay agad siyang nagtaas ng kamay para tumawag ng waiter. Kahit sino huwag lang yung babae kanina please!

And just like what I exactly wished for, it's a different one, and a boy. He didn't ignored me. In fact, he's even smiling at me.

He gently poured water in my glass.

"Thanks." I smiled at him, too.

May laman pa ang baso ni Sechan kaya hindi niya na iyon kailangang lagyan. Pwede na siyang umalis pero hindi pa niya ginagawa.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now