Chapter 6

399 8 0
                                    

Chapter 6

I'm so amazed by how the different light colors illuminates the flowing water. It looks so wonderful I can't believe it's not another world.

Impit na tili ng isang babae ang narinig ko malapit sa may batuhan. May tao? Luminga-linga ako at nakita ang isang babae at isang lalaki na naglalakad na ngayon papunta sa kinatatayuan ko. Sila yung dalawang guest na nag-uusap kanina.

Nilagpasan nila ako at nagdire-diretso na sa paglalakad pabalik sa hotel. Ngayon ay wala na akong iba pang nariring kundi ang lagaslas ng tubig.

Sumisilip ang kalahating buwan sa likod ng talon. Sa tingin ko ay wala ng ibang tao dito. Huli na ang dalawang kaaalis lang. Now that I am all alone, mas nadepina ang natural na tunog ng mga kuliglig.

I sat on a stone beneath a bigger stone. Isinandal ko ang aking likod sa malaking bato at ipinikit ang mga mata. So... peaceful...

My phone rang, disturbing my peace. Tumatawag si Molly. Sa pag-aakalang importante ay sinagot ko ang tawag. "Yes, Molly," pambungad ko.

"Ms. Ram, pasesnsya na po. Ayaw sana kitang tawagan pero nangungulit po si sir Steven. Kanina pa po kayo hinahanap. Naghintay po pala siya sa labas ng kwarto mo at ang akala ay sabay kayo ulit bababa para sa dinner," litanya ni Molly na nahihimigan ko ng konting pagkanis.

Gaya na nga lang ng sinabi ko. Hindi niya ugali ang makialam pero ngayon ay heto't napipilitan siya ng dahil sa makulit na si Steven.

"It's oka, Molly. Pasensya na at ikaw pa ang kinukulit niya. May ginagawa lang ako pero babalik din maya-maya," ang sabi ko.

I head background noise of the people talking, no answer from Molly for a while until I heard a man's voice.

"Ramona, where are you? I was waiting for you the whole time," ani Steven sa bahagyang mataas na boses. Kumunot ang aking noo.

What is he up to? I did not even told him to wai, it was his own decision.

"Steven, yes... uh, Molly told me you waited. Wala naman tayong usapan. I have to do something else," I said trying to retain my calm voice.

"Something? What something... bakit hindi ka nagpaalam at nang nasamahan kita. Nasaan ka ba ngayon? I'll go there," sunod- sunod niyang tanong.

Hindi pa nga naaalis ang inis ko sa kanya at dinadagdagan niya na naman. Bakit sa tono niya ay parang may responsibilidad ako sa kanya?

Tapos na namin ang trabaho para sa araw na ito. We're not even friends. He's just my photographer for the photo shoot and I'm just his model. So, why is he acting like that seriously? It's annoying!

"Thanks, Steven but you don't have to. Whatever it is, I'm doing it alone. Pasensya na ibababa ko na-"

Mabilis niya akong pinutol. "At bakit naman hindi? C'mon, Ramona. I'll pick you up there tell me-" naputol din ang kung anu-anong pinagsasasabi niya.

Ibababa ko na sana ng marinig ko naman ang boses ni Molly. Muli kong itinapat sa aking tenga ang cellphone.

"Pagpasensyahan niyo na po si sir, miss Ram. Nakainom po kasi kaya sumobra ang kulit. Ako na pong bahala dito. Magtext na lang po kayo kung may kailangan kayo."

I then heard another calling for my name from Steven. Dala nga lang kaya ng alak ang kakulitan nito? O sadyang ganoon siyang klase ng tao. Mas lalo tuloy ayaw kong ipagpalit ang ganda ng lugar na ito sa pagbalik sa hotel. Baka mas lalo lang akong mairita kay Steven kapag kinulit pa ako ulit ngayon.

So, I turned off my phone and resumed to what I was doing before the call, which is nothing but relaxing by the sound of nature.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas. Nagising na lang ako ng may maramdamam akong humawak sa aking paa! I was so ready to scream to the top of my lungs when I smelled a very familiar scent, a cool musky scent.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now