Chapter 7

402 6 0
                                    

Chapter 7

Tumikhim ako. Napahinga ako ng malalim na animo'y suminghap mula sa pagkakalunod. Sa tingin ko nga'y nalunod ako, nalunod sa mga maya niya.

I envy those sharp eyes!

Halos makalimutan ko na kung nasaan ako at kung anong nangyayari. Lumingap ako sa paligid at nakita kong mas lalong dumami ang mga nakikiusyoso.

Nakailang tikhim ang instructor ko at tila naguguluhan sa dapat na gawin. He looks bothered, or scared?

"I'm okay..." I'm surprised I didn't stutter even a bit when my heart is pounding harshly.

Hindi ko alam na kaya ko palang magtapang-tapangan kahit pa ang mga mata ng batang Russo ay parang nagbabaga ang tingin sa akin.

Matagal ko na siyang kilala, sila ng pamilya niya pero kahit isang beses ay hindi ko pa siya nakakausap. I only knew him because first, their family is very well-known in the country, second, he's my school mate, and third, my mom loves their jewelry line she would always buy one piece everytime a theres a new release from their line, and let me just note that that gives a way for her friendship to the owner, the two younger Russo's parents.

His name is Sechan Dew Fortes Russo, or Sec or Sechan as I heard his friends and classmates calls him in school.

Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko. Dahil siguro sa pagkapahiya ko kanina? Iniwas niyang muli ang tingin sa akin, parang hindi niya matagalan ang pagtingin sa mukha ko. Bakit pangit ba ako para sa kanya?

I've heard he's a casnova. He has lots of experience with girls, huh? Pero madami ang nagsasabi sa akin na maganda ako. Pero bakit kung makaiwas ng tingin ang isang ito'y akala mo napakapangit ko para tignan? Ewan, pero naiinis ako pag naiisip kong ganoon nga.

Tinignan ko kung sinong tinitignan niya. Ang instructor namin? Magkasalubong ang kilay niya habang nasa harap ang tingin.

"Salamat nga pala," ayan, tignan ko nga kung di ka pa rin titingin...

Tumingin siya sa akin. Gotcha!

Pero mas nadismaya lang ako ng binitiwan niya ang kamay kong hindi ko namalayang hawak niya pa rin pala at nagpaalam ng aalis. Talagang! Wala manlang five seconds niya akong tinignan. Nagmamadali itong umalis na parang malaking abala sa kanya ang ginawang pagtulong sa akin. Tss, hindi ko naman kaya siya pinilit, siya ang nagkusa, ano!

Bakit ako, pakiramdam ko kayang-kaya ko siyang titigan buong araw kahit magdamag pa. Naaalala ko pa kung ano ang itsura ng mga mata niya kanina sa malapitan. Kulay brown ang mga ito. Sa malayuang tingin ay hindi mo agad ito mapapansin.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Kasing bilis ng paglipas ng mga araw.

Since that day, I started to feel something strange.

I'm always conscious with how I look. In all my free time, I would always indulge myself shopping and dressing up. At a very young age I already know how to mix and match my clothes and accessories so it would always look pleasing in the eyes. Pero ngayon ay parang lumala pa ata.

Before I would always go to the bathroom whenever I want to check how I look, now I always have a mirror with me. Before, it's fine if I'll repeat my clothes in a week, now it's a no, no. I'll repeat but at least after three or four weeks, err... I hope so.

"Your skin is glowing. Who's your derma?" a girl classmate asked me one time. But whenever I said it's all self care, they would always think that I'm lying even when it's true.

"Sechan, mamaya ha? Sasama daw si Angela."

Napalingon ako sa grupo ng mga lalaking papunta din sa cafeteria na kinaroroonan ko. Hindi lang dahil nakakatawag ng pansin ang pagdating nila kundi dahil na rin sa nakasanayan ko na ang lumingon kada maririnig ko ang pangalan niya.

Nakita kong sa gitna nila ay ang taong inaabangan kong makita sa araw-araw. Diretso ang tingin at tanging siya lang ang hindi nakikipagharutan sa grupo.

"Ha? Bakit si Angela, e isasama na namin Dianne," ani ng isa pa sa grupo.

"Sinong Dianne?" tanong ng pinakamaliit sa kanila.

"Yung sa kabilang school. Matagal na daw nun gustong makasama tong si Sechan, e,"

"Pano wba 'yan Sec pare, mukhang dalwang tigre ang kailangan mong paamuhin mamaya," ang pinakamaliit ulit na ngayon ay inakbayan pa si Sechan.

That's now new. Actually it happens almost everyday or everytime I see him with his friends. Palagi ay mga babae ang pinag-uusapan. At ang pinakapambato nila ay si Sechan. Siya ata ang naghahakot ng babae para sa lahat.

I took that as an opportunity to dislike him, or even be disgusted, to be turned off. Pero hindi naman ganoon ang nangyayari.

Everytime they talked about pretty girls, I would always compare myself to those I know and check who is prettier. And from that I would try to improve myself more and more. Imbes ata na maturn off ako ay parang naging motibasyon ko pa!

"Saya kagabi pare. Wala ka, hindi mo nakita kung paano nagmulti-task si Sec dun sa tatlo," sabay halakhak nung pinakamaliit sa kanila na sa tingin ko din ay ang pinakamadaldal.

As usual, naririnig ko na naman ang mga pag-uusap nila tungkol sa iba't ibang babae habang nakatambay ako dito sa cafeteria.

Siniko lang ng pabiro ni Sechan ang nagsalita. Nagtawanan sa grupo nila. They were all boys but from time to time, girls would pass by and sometimes tries chatting to them. Sa umpisa ay lalapit ang mga babae para kausapin ang mga kasama ni Sechan pero hindi magtatagal ay mga tanong na para kay Sechan ang susunod ipupukol ng mga ito. They all have the same tactics. Puro pasimple kahit na halatang halata naman ang tunay na motibo.

"Oh, Hope bakit nandiyan ka na naman? Hindi ka na sa library tumatambay, ah..." puna ng isa kong kaklase. Ang top one namin na si Anthony na madalas kong makita sa tuwing nagpupunta ako ng library.

Nag-iba na din kasi ang mga gawain ko. Ngayon kasi ay mas pinipili kong magbasa sa maingay na cafeteria para lang palagi siyang makitang dumadating, kahit pa palagi lang namang mga babae ang naririnig ko sa grupo nila.

"Ah, oo. Medyo napapadalas ako ngayon dito," sagot ko na lang.

Tumayo na ang grupo nila Sechan habang nakikipag-usap pa sa akin si Anthony kaya naman nahati ang atensyon ko. Ano ba yan, ang bilis naman nilang umalis. Hindi man lang umorder para magmerienda at magtagal-tagal?

Nawalan na din tuloy ako sa mood makipag-usap. Hindi ko alam kung napansin ba ni Anthony iyon pero patuloy lang siya sa pagsasalita.

"I'm telling you, Sam you should read that. It's a series of three and the second book is my favorite...." blah blah blah. Pakiramdam ko ay dudugo na ang ilong ko sa pakikinig kay Anthony dahil hindi ko na maintindihan ang pinagsasasabi niya.

Tungkol saan nga ang pinag-uusapan namin? I mean, ang ikinikuwento niya? Ah, ewan. Hinayaan ko na lang siya sa pagsasalita kahit na wala naman akong maintindihan. Lumilipad talaga ang isip ko.

Bakit kasi umalis sila agad? Saan sila pupunta?

Sa tingin ko naman ay hindi kailangan ni Anthony ng kausap, kailangan niya lang ng makukuwentuhan. He can talk nonstop. Literally! Hindi ko tuloy siya mapigil dahil mukhang hyper na hyper siya sa kaniyang pagkukuwento. Ngayon ko lang napansin, madaldal siya!

Good thing my break is over. May dahilan na ako para putulin ang pagsasalita ni Anthony. Sa wakas! Pakiramdam ko ay ilang oras ang inabot ng break ko.

Hindi ko alam na ganoon ito kadaldal. Dahil bawal ang pakikipagdaldalan sa library ay hindi ko siya kailanman nakakuwentuhan, lagi ay batian o di kaya'y tanguan at ngitian lang.

Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na nakikita pa sila Sechan sa cafeteria. Wala akong ideya kung iba na ba ang schedule ng break nila o kung may iba na silang pinupuntahan. Sometimes I would see his friends but not him.

Naging usap-usapan sa school ng tumigil siya sa pambababae. Balita na hindi na daw ito sumasama sa mga gimik at lakad ng barkada niya. Kaya siguro hindi ko na siya nakikitang kasama nga mga ito.

I thought it was okay, maybe he's starting to get matured and his pace on those things started to vanished. But new news had spread.

They said he's now dating only one girl!

...

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now