Chapter 10

350 6 0
                                    

Chapter 10

I don't think that's Molly. Kakagaling niya lang dito at wala naman siguro siyang nakalimutang sabihin. Not either a room service at this hour.

Paano kung si Steven pala? I know I want to talk to him but definitely not in an enclosed space.

Hindi muna ako tumayo at nakiramdam muna. Mayroon namang peephole pero maging doon ay kinakabahan akong sumilip. Dahil kung si Steven nga ang nasa labas ay baka agad na akong tumawag ng security wala pa mang nangyayari.

I guess I'd freak out at his mere presence at this hour if ever.

Another knock followed the first two. Walang mangyayari kung iignorahin ko lang ito. Kung si Steven man ang nasa labas ay gagawin ko agad ang planong tumawah ng security. Tama! Ganoon na nga lang.

Sa wakas ay tumayo na ako at sumilip sa peephole kahit may kaunting kaba. Agad ko ding nailayo ang sarili sa pinto ng makilala ang nakatayo sa labas.

Marahas kong binuksan ang pinto. "Anong kailangan mo?" tanong ko sa naghihintay na si Sechan sa labas.

Tumaas ang kilay niya ng mamalas ang talim ng tono ng boses ko.

Paano naman kasi, kinakabahan ako na baka si Steven ang nasa labas. Pero ang makitang si Sechan pala ang kumakatok ay mas nakakagulat pa pala. Mas naramdaman ko ang kalabog ng puso ko.

"Are you sleeping, yet?" he asked.

Nag-usap na kami kanina, naputol din naman agad ng bawiin ko ang aking braso at mas binilisan pa ang lakad pabalik. Sa tingin ko ay naramdaman din naman niya na ayaw ko siyang makausap kaya hindi na siya nagpumilit na humabol pa.

Iling lang ang isinagot ko.

"Are you okay?" he asked again.

I nodded.

"Just want to check on you. Hindi na din ako magtatagal. Matulog ka na," his voice laced with concern.

Gaya ng sinabi niya ay mukhang hindi nga siya magtatagal dahil agad na niya akong tinalikuran.

Bago ko pa man mapag-isipan ay natawag ko na siya. "Sandali lang... Sechan."

Nang lumingon siya pabalik ay agad na sumikdo ang puso ko.

"Yes?" he asked.

Nilunok ko muna ang nagbabarang laway bago sumagot sa kaniya. Sinabi sa akin ni Molly ang ginawa niya kanina para sa akin kaya sa tingin ko ay tama lang naman itong gawin.

"I just want to... thank you... for helping me. Sinabi sa akin ni Molly."

Humakbang siya pabalik kaya napatuwid ako ng tayo. Mas kumalabog ang puso ko at natatakot akong malaman niya iyon kapag mas lumapit pa siya.

"I was waiting for you to finish your work, for a dinner ng makita ako ng P. A mo. Sabihan mo ako kapag ginulo ka pa niya. You must be keen with your workmates, too," tugon niya ng malamlam ang mata.

Hinintay niya ako? Sumagi sa isipan ko ang natanggap na bulaklak... hindi kaya...

Nagkatitigan kami, pinapaalala ang mga bagay na nag-iba na sa paglipas ng panahon.

Dati ay gustong gusto kong tinititigan siya. Sa una'y sinabi kong kuntento na ako kahit pa hindi naman niya ako tinitignan pabalik. Kung siguro nga ay nakuntento na ako sa ganoon ay hindi na kami umabot sa ganito.

Ngayon, para na akong malulusaw sa mga titig niya, titig na kay panga-pangarap ko noon. Pero ngayong iginagawad na niya ay napapaso naman ako.

Hindi ako sigurado kung ano ang nasa likod ng mga titig niyang iyan. Kung tinititigan ba niya ako bilang isang sinungaling o manloloko, o di kaya naman ay pareho.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now