Chapter 20

322 6 0
                                    

Chapter 20

Kanina pa nagsimula ang party pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita kahit ang anino nina Sechan at Amanda.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang naiinip na sa iaanunsyo ng mga Russo sa gabing ito o ganun din ang nararamdaman ng ibang panauhin. Kanina pa puro tungkol sa mga negosyo ang kanilang ipinapakita sa harapan.

Kanina pa din pabalik-balik ang tingin ko sa lamesa ng mga Russo at ganoon din sa lamesa ng mga Vicencio. Kagaya lang din ng iba ay nakatutok lang sa harapan ang atensyon nila.

What are they waiting for?

Bakit ba pinatatagal pa nila ang mangyayari. Habang tumatagal ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

Habang tumatagal na wala pa silang kinukumpirma ay mas lalo lang akong umaasa. At ayoko na. Dahil alam kong wala ng silbi pa ang umasa.

Hindi ako magaling pagdating sa pagkokontrol. Gaya ng kotseng walang preno, hanggat hindi ako bumabangga ay hindi ako mahihinto.

Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko... kaya umaasa ako na kapag nagsalita na sila ay tsaka lang ako makakahinto. Na kapag tinapos na nila ang pag-asa ako ay hindi na nga ako aasa pa.

"Let us all welcome, the youngest scion of our hosts for tonight... Ladies and gentlemen, applause for Mr. Sechan Dew Fortes Russo."

Napuno ng nakakabinging palakpakan ang buong hall. Dumating na ang kanina ko pang hinihintay.

Kalkulado ang bawat lakad ni Sechan hanggang makarating sa stage. Hindi ko magawang mailarawan kung gaano kabagay sa kaniya ang kaniyang suot. Ang alam ko lang ay sobrang gwapo niya.

Walang bahid ng ngiti sa mga labi niya kahit ng humalik siya sa kaniyang ina at yumakap sa ama. Seryosong seryoso ang kaniyang itsura na akala mo ay nadagdagan ng ilang taon. Kapag ganito ang dating niya ay mahihirapan kang isipin na nag-aaral pa din siya. Sa itsura niya ay aakalain mong matagal na siyang nagtratrabaho.

Kung sabagay, siguro nga. Simula pa ata ng tumuntong siya sa kolehiyo tumutulong sa kanilang negosyo.

Isa pa iyon sa mga nagustuhan ko sa kaniya. He takes full responsibility in everything he does. Nagtatrabaho na siya habang nag-aaral pero magtatapos pa din siya na may lumilipad na kulay. Hindi ko maisip kung papaano niya napagkakasya ang oras niya sa lahat ng kailangan niyang gawin.

"Good evening, everyone. It's a great honor to see you all here," paumpisa niya sa mababa at matikas na boses.

May iilan pa siyang sinasabing hindi ko na maintindihan. Mas gusto kong titigan na lamang siyang nagsasalita sa harapan kaysa ang intindihin pa ang mga sinasabi niya tungkol sa negosyo. "... and with that, we are also planning to..."

Halos mapatalon ako sa upuan ko ng dumapo ang mga mata niya sa akin. Kung mabilis na ang pintig ng puso ko kanina ay dumoble... hindi, trumiple pa ang bilis nito ngayon. Hinihingal ako kahit na wala naman akong ginagawang nakakapagod at nakaupo lang naman ngayon.

He continued talking in the front but his eyes never leave mine.

Hindi ko din siya magawang alisan ng tingin. Parang bang sinasabi ng mga mata niya na sa lahat ng mga pinaggagawa ko... sa ilang taong pagangarap ko... iyon na ang premyo ko.

Ang tagal kong hiniling na makita niya rin ako. Na tignan niya din ako. Sa wakas... nangyari na... kahit ngayon lang.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko.

Dapat masaya na ako dun diba? Na kahit papaano, nakita naman niya ako. Kahit malayo, natitigan niya ako. Dapat makuntento na ako doon.

Kabababa niya lang ng stage ng mapalingon ang lahat sa huling bisitang dumating...

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now