Chapter 4

475 9 0
                                    

Chapter 4

"Are you okay? You seemed bothered," kumento ni Steven ng lumapit sa akin.

Umiling ako. "Pagod lang siguro," paggamit ko din sa inanunsyo niyang dahilan kanina.

"Sabagay, you did a great job. Napagod ka na nga siguro sa huling oras, siguro ay dahil na din sa biyahe. Pero h'wag kang mag-alala dahil hindi na naman tayo lilipat pa ng ibang lugar. All our remaining shoots will be done here," pagkukwento ni Steven.

Definitely, I wasn't tired because of the travel. I am very used to it. It was because of something ele, and I absolutely know the reason why.

Hindi din naman nagtagal sa panunuod si Sechan. Bago pa mag-anunsyo si Steven na tapos na kami sa araw na iyon ay nakita ko na siyang umaalis.

Why is he here? Of course they own this hotel, I know. But of all their branches, why here? Or is he even staying here? My gosh, magtatagal kaya siya? O kami, magtatagal kaya kami dito?

"Molly, ilang araw nga ulit tayo dito?" tanong ko kay Molly na kanina pa nakasunod sa akin.

"Bali dapat po ay dalawang araw lang dito sa hotel at pagkatapos ay sa Albay na pero mukhang nagustuhan na nila sir Steven dito at narinig kong baka dito na lang gawin ang lahat kaya naman baka abutin pa ng tatlo hanggang apat na araw."

Apat na araw!

Apat na araw kaming mananatili dito. Wala akong magagwa dahil kailangan kong sumunod sa kanilang plano. Aasa na lang siguro ako na hindi naman siya magtatagal dito ng apat na araw. Oo tama, siguradong kailangan din niyang bisitahin ang iba pa nilang negosyo. Alam kaya niya na darating kami dito? Siya kaya ang nagapprove? Baka naman sinadya niyang pumunta dito dahil alam niyang nandito ako! Siguro ay may balak siyang gumanti!

Kabado ako ng bumaba para sa isa na namang team dinner. Gusto ko sanang tumanggi at magpahatid na lang ng pagkain sa aking kwarto pero nakakaramdam ako ng hiya. Ayokong idahilan na pagod ako at hindi na makakababa para sa hapunan. Lahat kami ay nagtrabaho at siguradong hindi lang naman ako ang pagod.

Or I can just say na busog pa ako? But I didn't have my lunch so I am far from being full.

Gosh, since when does eating dinner became this hard?

Hindi ko mapigilang ilinga ang aking mga mata sa paligid para alamin kung nandito din ba si Sechan. Nang nakitang wala ay nakahinga ako ng maluwag. Siguro ay nakakain na at natutulog na siya?

My hopes... of course, for the nth time, yet again got failed.

Halos kasunod ko lang siyang lumabas ng lobby. Hindi nakatakas sa akin ang dirediretso niyang lakad papuntang restaurant sa west side. Ni hindi niya ako nilingon kahit pa sigurado naman akong nakita niya akong nakatayo dito.

Dapat nga ay matuwa pa ako pero ewan ko ba at ngayon ay mas naiinis ako kaysa natutuwa. Ano? Magpapanggap ba siya na hindi niya ako kakilala? Iyon din ba ang dapat kong gawin?

"Ramona, papunta ka na ba? Sabay na tayo," paanyaya ni Steven ang pumutol sa mga iniisip ko.

Kung ganoon ang gusto niya edi sige!

"Oo," tanging nasagot ko kay Steven at sumabay na nga sa kanya papunta sa restaurant na pinasukan din kanina ni Sechan.

"Nakapagpahinga ka ba kahit saglit? Mukha talagang napagod ka," concern na tanong ni Steven.

Nawala ata ang pagkailang ko sa kanya sa dami ng iniisip.

Kahit pa ang masayang tawanan at kwentuhan ay hindi ko masabayan. Hindi ako makarelax at naiinis ako sa sarili. My gosh, Ramona! Ano naman ngayon kung kumakain din siya dito kasama ang isang magandang babae? Matagal mo ng alam ang kalibre niya.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now