Chapter 28

310 8 0
                                    

Chapter 28

Nakahiga si James sa may buhangin at nakatukod ang siko sa likod para iangat ang katawan. Kalahati ng binti niya ay tinatamaan ng mga along nagpapabalik-balik sa pampang.

Ako naman ay kinailangang pumwesto sa gilid niya. Kahit sa kalagitnaan ng aming shoot ay nagagawa nakita ng magtawanan lalo na ng hindi sinasadyang pasukan ng tubig ang isang mata niya.

Nang maayos na ulit ay agad na kaming umayos para makuhanan na ng iba pang anggulo.

"I was told you're the first choice to send abroad. I hope you'd accept the offer."

Kasama ko sa hapunan ngayon ang buong team pero kani-kaniya ng lamesa. Ang kasama ko ay si Molly, James at ang personal assistant niya na abala lang sa kaniyang ipad kanina pa.

"Ah, yeah. That's a good offer but... we really haven't talk about it formally," sagot ko.

Gaya nga ng sinabi ko ay kuntento naman ako sa takbo ng career ko sa ngayon. I'm not closing doors but I'm just really contented with how my career's doing.

"Oh, you know that's just for formality but the offer's intented for you," siguradong sabi ni James.

"You can say that, but right now... I'm really happy here," sagot ko.

Tumango-tango siya sa sinabi ko.

"Glad to hear that. Sorry, I'm just hoping to work with you more," he said before he laugh.

Kung tatanggapin ko ang offer ay posibleng mangyari nga iyon dahil ang agency ni James ang kapartner sa international expansion ng agency ko.

"That's not very impossible, James," sabi ko na lang.

The dinner went smooth and the night ended peacefully.

Nagpabook ako kay Molly sa isang spa dito sa Boracay na malapit lang sa hotel na tinutuluyan. Panibagong araw na naman. Maaga pa kaya may oras pa akong magpamasahe kahit na isang oras lang.

Hindi naman ako napuyat kagabi pero inaantok ako habang naghihintay sa magmamasahe sa akin. Nakita ko na siya kanina at ang alam ko ay may kinuha lang pero mukhang natagalan.

Hindi ko na siya hinintay pa at dumapa na ako para pagbigyan ang sariling umidlip muna.

Kasama ko dapat si Molly ngayon pero sinabihan ko siyang hintayin na lang ako sa hotel tutal ay wala naman akong ibang gagawin kundi ang magrelax.

Nang maramdaman ko ang paglapat ng mukha ko sa pabilog na unan ay napapapikit na agad ako. Aabutan talaga ata akong tulong ng masahista.

Half awake, I heard the sliding door opened and someone went in. Sa wakas nandito na siya. Time to relax.

I'm waiting to the girl to start the service but for a minute, nothing came. Balak ko sanang tignan kung bakit hindi pa siya nagsisimula pero talagang hinihila na ako ng antok. Di bale, nakaayos na naman ako kaya pwede na siyang magsimula anytime.

Hindi naman nagtagal ay may narinig na akong kaluskos, parang palad na kinikiskis at pagkatapos ay narandaman ko na ang paglapat ng malamig na bagay sa balikat ko. Tuluyan na din akong nakatulog.

Hindi ko na namalayan kung gaano kasarap ang naging pagmasahe sa akin dahil mas napansin ko kung gaano kasarap ang naging tulog ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Pata, baka nasobrahan ako. Hindi ko pa naman kasama si Molly. Mabilis akong bumangon at hinagilap ang bag ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at doon ko nalamang pasado alas-tres na. Ang photoshoot namin ay magsisimula ng alas-onse ng umaga! Sobrang late na ako!

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now