Chapter 17

326 8 0
                                    

Chapter 17

Sa tagal ng panahon na alam ko na ang magaganap na kasal ay dapat tanggap ko na.

Naiisip ko tuloy na dapat pala sana ay sa paglimot ko na lang inilaan ang panahon ko. Baka sakali, hindi ako malulungkot ng husto. Hindi siguro ganito kasakit.

Umiyak ako noong gabi ng maisip na ako lang ang nag-iisip na may pag-asa ako kahit na ang totoo ay wala naman.

This couldn't be just infatuation. I know it's knew to me. But I also know that it's true. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero alam ko lang sa sarili ko na mahal ko si Sechan.

Gustuhin ko mang magsisi sa inilaan kong panahon sa pangangarap sa kaniya ay hindi ko magawa ng lubusan.

Because feeling didn't only made hope. It also made me inspired.

Somehow, naiisip ko din na bata pa naman ako. With all the boys I have rejected, maybe one of the is for me, or maybe he's just yet to come. Just not Sechan.

I tried to put that on my mind the whole time. I told my self that I have to change even my routine. And I have to change it as early as now. It cannot be later than now. Kaya iyon nga ang ginawa ko.

Sinubukan ko na huwag ng alamin pa o puntahan pa ang kinaroroonan ni Sechan. Binalikan ko ang mga dati kong ginagawa bago pa siya pumasok sa sistema ko. Pero hindi madali. Isang linggo pa lang ay parang susuko na ako.

Sa tuwing makakarinig ako ng tungkol sa kaniya at parang awtomatiko ng nakikinig ang tenga ko. Masyado nga yata akong nasanay na lagi siyang hinahanap.

"Aray!" napaupo ako sa sakit ng tamaan ako ng bola.

Heto na naman ako sa isa sa pinakaayaw kong subject. Nandito na naman kami sa open court para mag volleyball. Wala akong improvement. Gaya ni Sechan ay hindi rin ata talaga para sa akin ang larong ito.

"Ayos ka lang, Hope?"

"Tignan mo kasi ng mabuti ang bola, sayang ang puntos," ani ng aming captain.

Pinagpag ko ang mga dumikit na dumi sa shorts ko ng makatayo na. I heard someone cat called somewhere. Hindi na naman bago iyon. Halos kada naglalaro kami ng volleyball at may nanunuod na mga lalaki ay siguradong may pipito. Inignora ko na lang lalo na at hindi naman ako sigurado kung para kanino iyon.

"Sexy mo talaga, Hope. Haba ng legs," narinig ko ang pagtawag ng isang member ng varsity.

Honestly, I don't know if I should be offended or what.

Sa tingin ko naman ay hindi masama ang gusto niyang iparating. Maybe that's just pure compliments?

Ang sakit na ng braso ko. Natatakot akong magkaroon na naman ng pasa. Kahit naman namahinga ako sa pagpunta sa mga go-sees ay iniingatan ko pa din ng mabuti ang katawan ko. Second year college ng tumigil muna ako. I enjoyed it so much pero kinailangan kong pansamantalang huminto. After being featured in some teen magazines, I stopped. Naging hectic na kasi ang schedule na sinabayan pa ng ilang pabigat ng pabigat na mga subjects. I can't compromise my studies. I can pursue modelling after college, anyway.

Nagpatuloy ang game at nanalo kami dahil sa mga kateam ko. Alam kong wala naman talaga akong naiambag maliban sa pagiging substitute, pampuno sa team.

Pero kahit naman ganoon lang ang nagagawa ko ay nakakapagod pa din. Naubos ko na ang inumin ko at ang pinamigay na tubig naman ay kinulang. Siyempre, ang walang pakinabang na tulad ko ang huling bibigyan at dahil nga kulang at wala ng dumating sa akin. Ayos lang, naiintindihan ko. Bibili na lang din ako.

"Heto oh. May nagpapabigay," hindi ko inaasahan ang paglapit ng isang kaeskuwela sa akin.

Isa siya sa mga popular sa eskuwelahan. Mukha siyang palakaibigan at nakakahawa ang kaniyang ngiti. Inaabot niya sa akin ang isang bottled water.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now