Chapter 48

306 5 0
                                    

Chapter 48

Isang araw din na may inutos sa akin si Mama sa mall ay nakita ko siyang umiiyak. Hindi ko man alam ang dahilan niya ay agad na akong nakaramdam ng galit sa kung sinumang nagpa-iyak sa kaniya.

Sinubukan ko siyang tanungin pero umiwas naman.

Lalo akong nainis ng makita ko siyang hindi pa umuuwi.

Hinihintay kong matapos si Amanda sa kaniyang binibiling kung ano na sa tingin ko'y hindi naman ganoon kaimportante para sadyain pa gayong may injury siya sa paa. She's on the cosmetics section. But, well, I can't really tell.

Amanda started blabbering things but all I did was check Ramona's face. Wala ng bakas ng pag-iyak. Bakit nga kaya siya umiyak kanina?

Pauwi na ako kanina ng makasalubong ko lang ang iika-ikang si Amanda. Ang sabi niya'y natapilok siya kahapon at nakiusap na tulungan at samahan ko sandali dahil may kailangang bilhin.

I want to just go home already but being a gentleman, I helped her.

Our parents are good accomplice. They tried to set us up and I immediately shut it down. She's pretty but I don't like her.

Always, it's more than just a pretty face.

That's what make girls more complicated than men.

Minsan ko lang nakasama si Amanda ay agad nang nag-isip na espesyal ang trato ko sa kaniya.

"Man, ganda 'non. Anak pa ni Gov!" natatawang biro ni Brent, isa sa mga kaklase ko.

"Tss, wala lang sa kaniya 'yon. Kahit pa anak ng presidente makukuha niyan," si Dom.

Nakitawa na lang ako sa kanila pero hindi na pinatulan ang mga biro nila.

Lately, I've been loosing my sweet tooth for dating girls. Like what they've said, the governor's daughter is pretty but I'm not triggered.

Nilapitan na lang niya ako isang araw sa eskwelahan at sinabing nag-enjoy daw siyang kasama ako noong isang gabi sa birthday party ng kaklase kong si Sam.

Sinubukan ko pang alalahanin kung nakasama ko nga ba siya doon pero ni hindi ko siya matandaan sa dami ng nakasama.

Nangyari na lang na dumalas ang pagbisita ng mga Vicencio sa bahay. I don't know why 'cause I will always be out or inside our gym or my room.

Then the next thing I knew, news spread in school that we were engaged.

Agad kong pinabulaanan iyon ng may magtanong pero hindi din naman naniwala. They would like to believe more that it's true and that that was why the Vicencio's will always visit us in our house.

So, what's the point of asking, right? Or, more so answering.

Amanda didn't deny anything making the news spread exaggeratedly. Nang sumunod akong tanungin ay hindi na lang ako sumagot.

Walang kwenta kung mas gusto din naman nilang paniwalaan ang sariling kaisipan.

Natawa na lang kami ni kuya ng minsan namin itong mapagkwentuhan habang nag-iinuman kasama ang kambal naming pinsan.

Mas problemado siya kaysa sa akin, his relationship with my batchmate is unsteady. Though, I don't think that it should be a very big problem. They're still young to take anything that serious.

Pero hindi ganoon si kuya. Between us, he's the more of a serious type. Kahit noong mga bata pa kami. He's the more attentive while I'm the more calculating.

Pero may isang bagay na hindi ko mailagay sa biro. Bagay na gumugulo pa din sa akin hanggang ngayon.

And just when I was still learning how to sort out the kind of feelings I was having, things happened so fast...

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now