Chapter 42

300 6 0
                                    

Chapter 42

The next days, I got very conscious with my surroundings. Tinatandaan ko ang lahat ng mga detalyeng nangyayari. Sinisigurado ko din na nakikita ko ang mga mukha ng mga staff na nakakasalamuha ko.

What happened last week really bothers me. Hindi ko pa din iyon nasasabi kay Sechan. I'm still have the thougnt that it maybe just my paranoia, which I don't think I really have.

I was never distrustful with with others but I can't let my guards down this time.

Iniisip ko din ang posibilidad na baka si Steven nga ang gumagawa noon. Wala na akong naririnig tungkol sa kaniya.

I'm not so sure if we have common friends pero kung meron nga ay hindi ko din maisip na magtatanong ako sa kanila ng tungkol kay Steven. He's not bugging me anymore so I still want to give him the benefit of the doubt.

Pero kung hindi siya, sino?

Wala ng mga kakaibang nangyari sa mga sumunod na araw, linggo at buwan. It has been three smooth months.

Sechan and I are going steady kahit na halos sa gabi lang o sa mga araw lang na wala akong trabaho kami nagkikita. Kung minsan ay nagpupunta siya sa bahay o di kaya ay ako ang nagpupunta sa penthouse niya.

But, I rarely do that. Kadalasan kapag nasa bahay kami ay may ibang tao din, my parents, my brother or the maids. Pero sa bahay niya, kapag pupunta ako ay kami lang dalawa.

It's not that I don't want to be with him alone or I'm not comfortable. I think it's actually because I'd be too comfortable I wouldn't want to go home. Kulang na kulang ang oras para sa akin kapag kasama ko siya.

"Miss Ram, okay na," nakangiting sagot ni Molly ng kumustahin ko ang pinaaasikaso ko sa kaniya.

Lumapad ang ngiti ko sa naging sagot niya. Finally! Matagal na naming gustong magbakasyon ni Sechan kahit na saglit lang. My schedule was full for the last two months at ngayon lang ako nakasingit.

I have a three days leave and I can't wait to tell Sechan about it. So, I texted him.

Ako:

I got three days leave.

I'm done with work today and it's still three in the afternoon. Sechan's not replying so I assumed that he may be still in a meeting.

Come to think of it, most of the time, he's the one who would do much effort. Gaya na lang ng siya ang mag-aadjust ng schedules niya para lang makapagbakasyon kami. He is super busy and I don't know how he would do that but I trust him when he said he will do so.

Para akong tanga habang inaalala ang mga efforts ko noon para lang makita siya. Ngayon ay siya itong madalas na gumawa ng paraan para makita ako.

Pero sa isang relasyon, hindi pwedeng  ang isa lang lagi ang magbibigay at ang isa ay lagi lang tatanggap. It should be a give and take.

I'm tapping my fully manicured nails in the table while waiting for my phone to light up for Sechan's reply. Kaya lang ay ilang minuto na at wala pa din. Tapos ng magligpit ng gamit si Molly at nakahanda ng umalis kung handa na din ako.

Alam ko na! Oras na para ako naman ulit ang gumawa ng paraan para makita siya.

"Molly, aalis na tayo. Pakitawag na si Manong Roy."

Mabilis na ginawa ni Molly ang sinabi ko. Tinawagan niya ang driver namin na si Manong Roy para ihanda na ang sasakyan.

"Ayos na, miss Ram. Baba na tayo," aniya.

"Sige. Thanks, Molly!"

Kinakabahan na naeexcite ang pakiramdam ko. Nakapunta na ako sa mga stores nila, hotel at maging sa mismong bahay pero ito ang unang beses na pupuntahan ko siya sa opisina.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now