Chapter 14

309 6 0
                                    

Chapter 14

Nang makalapit ako sa dalawa ay tsaka ko lang makita ang dahilan ng paghahagikgikan nila, pati na din ang kakaibang kilos ng sales lady. Sa likod nila ay si Sechan na matiyagang naghihintay kay Amanda na matapos pumili ng lipstick.

Kung kanina'y maasim ang pakiramdam ko, ngayon at wala na akong ibang malasahan kung hindi pait na lamang.

Sa pagiging abala ng dalawa kong kasama ay hindi man lang nila ako napapansin kahit pa napakalapit ko sa kanila. Nauna pa si Amanda sa pagkakita sa akin. Tumaas agad ang kilay niya at saka umismid.

"Oh my, look who's here," makahulugang patuya ni Amanda ng balingan ako.

Una kong tinignan si Sechan bago siya. Pareho silang dalawa na mukhang hindi natutuwa na naririto ako.

"Mayroon talagang hindi nakukuha sa isang sabihan lang. Talagang kahit dito ay sumusunod pa din," parinig pa ni Amanda.

Obviously, that was for me. Alam kong mali naman ang kaniyang hinala dahil nagpunta naman ako dito para puntahan ang mga kasama at hindi para sundan sila ni Sechan pero sino pa ba dito ang pariringgan niya ng ganoon? Ako lang.

I tried my best to ignore her petty renmarks and surprisingly, it isn't even that hard today. Maybe I have had enough that it kept me tired from all of her shits.

"I don't like it here. They allow such people to get in," she throws another insult.

Pero kahit ata abong ibato niya sa akin ngayon ay lalabas lang agad sa aking tenga ng walang iiwang bakas.

Kumunot ang noo ni Sechan bago sumunod sa iika-ikang lumakad na si Amanda. O, napano naman kaya ang babaeng ito? Kanina naman ay maayos pa ang kaniyang lakad. Ano pa man, wala na din akong pakialam.

"Giselle, Triya, sumasakit kasi ang ulo ko. Mauuna na lang akong umuwi," both of them absentmindedly nodded.

Hindi ako sigurado kung nakuha ba nila ang mga pasaring ni Amanda sa akin kaya sila nagkaganito.

Pagod na pagod ako ng makauwi sa bahay. Nang makita ko ang sofa ay agad na akong sumalampak.

"Ram, gusto bang magmeryenda?" tanong ng aming mayordoma.

Hindi pa ako nakakasagot ay narinig ko na ang pagsabat ni kuya. "Ako din po. Grabe pagod na pagod ako," aniya sabay upo sa tabi ko.

Iniakbay niya sa akin ang mabigat niyang braso kaya agad akong nagreklamo, "Kuya! Ambigat kaya..."

"Braso lang, e. Ang payat payat mo kasi. Magkakain ka nga at ng magkalaman ka naman. Baka sakaling gumanda ka," pang-aasar ni kuya.

Kung talagang nasa mood lang akong makipag-inisan ay hindi ko palalagpasin ang sinabi niya.

His 'payat na payat' description of me was an exaggeration. I'm keeping my body slim for my dream job. Good thing that women in the family were almost all slim. Nasa lahi siguro na hindi din kami tabain kaya hindi mahirap para sa akin ang manatiling sa katawang nais ko.

Inirapan ko na lang si kuya. Hindi niya inalis ang braso niya sa balikat ko. Sumandal siya sa sofa at lalong nadepina ang matangos niyang ilong.

Gwapo si kuya. Kaya din naman madami ang nagkakagusto sa kaniya. Actually, most of my friends at school were because of him. Nang minsang magshoot sila noon sa school at nalamang kapatid ko siya ay dumaming bigla ang gustong makipagkilala sa akin. May iilan na diretsong nagpapalakad pa. Pero hanggang ngayon naman ay wala pa din siyang ipinapakilalang girlfriend.

Bago pa dumating ang meryendang ginagawa ni manang ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Kumpara kanina ay mas mabigat na ang braso ni kuya sa balikat ko. Kaya naman pala, nakatulog na din si kuya. Siguro ay talagang pagod siya.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now