Chapter 3

483 12 0
                                    

Chapter 3

"Salamat sa paghatid, Steven."

Nasa tapat na kami ng pintuan ng kwartong inuukupa ko. Kagaya ng pag-iinsist niya kanina na hintayin ako ay inalok din niya na ihatid ako pabalik sa aking kwarto. Mapilit siya kahit pa ilang beses ko ng tinaggihan.

"No, worries. I can do it all the time if you'd let me," hindi ko sigurado kung nagbibiro lang ba siya. Lalo na at sinundan niya iyon ng awkward na na tawa.

Medyo hindi tuloy ako naging kumportable.

"Ah, kailangan ko ng matulog. Hindi ako pwedeng magpuyat para bukas..." hindi ko na gusto pang magtagal na kausap siya. Sa don't feel comfortable.

Matagal bago natapos ang dinner dahil nagkaroon pa ng katuwaan, lalo na at ang ilang staff ay bigay na bigay sa pagpapatawa. Mas maeenjoy ko sana ang nangyayari kung hindi ko lang nararamdama ang braso ni Steven na unti-unting pumwesto sa likuran ng aking upuan. Napapatuwid tuloy ako ng upo para lang hindi madikit ang aking likod sa braso niya.

"Oh, okay... Have a good night then," mabuti na lang.

"Good night, too," sagot ko naman.

Pinihit ko na ang sendadura para makapasok na ng muli siyang nagsalita. "I hope you'll dream of me..." kumindat pa ito sa akin.

Agad kong isinarado ang pintuan para maputol na agad ang paninitig niya.

Kanina ay nagkaroon din ng inuman dahil hapon pa naman gaganapin ang ikalawang parte ng shoot sa ibang hotel. Tutok ako sa sarili na hindi madikit kay Steven kaya naman hindi ako sigurado kung nakarami ba siya ng inom o kung lasing na siya. He can walk and talk straight, though. Iyon nga lang ay medyo touchy at mapilit.

Hindi pa naman ako na samahan ni Molly dahil ito ang nalasing kasasagot sa mga tagay na para sana sa akin. I appreciate her effort for that.

Tinanghali na ako ng gising kinabukasan. Pumapasok na ang liwanag sa silid at ang kurtina lang ang tumatabing dito.

"Good morning, Miss Ram," si Molly na hindi ko inaasahang maaga pa ding magigising dahil nalasing kagabi.

"Morning, too Molly," bati ko naman pabalik.

Kahit tanghali na ay bahagya pa din akong inaantok ng bumaba para kumain. Si Molly ay tapos na pero sumama pa din siya sa akin para bigyan ako ng heads up sa mga gagawin.

"Ang shoot mo mamaya, Miss Ram ay gagawin sa ibang hotel. Medyo malapit lang din naman dito, mga fifteen to twenty minutes away lang," pagpapaliwanag ni Molly.

Kinagat ko ang bacon bago nagtanong. "Ilang araw tayo doon? O aalis din agad kinabukasan?"

Mula sa dala niyang tablet ay may pinindut-pindot muna siya bago sumagot. "Medyo matagal tayo doon, Miss Ram. Sa plano ay aabutin ng mga tatlong araw o pwede ding mas matagal pa. Mayroon ka kasing dalawang araw pang shoot sa Albay, pero kung matatapos na sa hotel na pupuntahan bukas ay baka pwedeng doon na lang gawin lahat."

Ang alam ko, mamaya ay ang sunset ang target naming maabutan. Kung kagabi ay ang buwan, ngayong araw naman ay ang papalubog na araw.

"Damn!" Sa lahat ng maari kong itanong, bakit hindi man lang ako naging kuryoso sa pangalan ng hotel na susunod naming pupuntahan.

Iyan ang naiisip ko ngayong nasa harapan ko na ang malaki at dikit-dikit, in bold italicized letters ang apelyidong Russo. Sa lahat ba naman ng hotel dito pa?

Oo nga naman, hindi lang sa mga jewelries kilala ang pamilyang Russo, they were very known as a good hotelier, as well. So, the five stars of this hotel isn't surprising anymore.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now