Chapter 25

335 7 0
                                    

Chapter 25

After the clinic I have no other schedule. I feel so relaxed and light after the session. Pakiramdam ko ay natanggal ang mga stress na mayroon ako. At para na din itodo ang araw na ito ay nagpasya na din akong bumisita sa paborito kong spa.

Hapon na ng magpunta ako kaya naman gabi na ng matapos. Lalo pa akong ginabi ng napagpasyahan kong pumunta ng mall para bumili ng kung anu-ano. Naghihintay na lang ako na sunduin ni Manong Roy pero sa tingin ko ay matatagalan pa dahil halos kakamessage ko lang sa kanya.

"Alone?" Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita at lumapit sa akin si Sechan mula sa likuran.

"You scared me! Ano bang ginagawa mo?!" sa gulat ko ay nawala ang awkwardness na pakiramdam ko sa kaniya.

Nagkibit-balikat siya. "If you're scared then you shouldn't stand alone," wika niya.

"Natakot ako kasi nagulat ako."

Humarap siya sa akin. Nakakaintimidate ang tindig at porma niya. He's still in his suit and I don't know what he's doing here. Should I ask? It won't hurt, right?

"Bakit ka nandito? May... hinihintay ka ba?" Probably, Amanda?

Maybe, she went shopping and he comes with her? Aw, sweet. Going strong, huh.

"I saw you along the way home, so..." hindi niya itinuloy.

He said he saw me. Me. Does that mean that he's here because of me? But why?

Oh, again and for the nth time. Stop assuming, Ramona. Bakit ba ang rupok mo?!

"Oh, uh... so, may kailangan ka ba?" alanganin kong tanong.

"Would you do me a favor?" he asked.

"What favor?" Anong magagawa ko na hindi magagawa ng mga tauhan niya para ako pa ang lapitan niya?

"Dinner." Maiksi at simple niyang sagot.

Pakiramdam ko'y nilamig ako sa kaniyang boses. Hindi na din regular ang kabog sa dibdib ko. Damn!

"Uh, kasi-"

"Please, Ramona," putol niya sa akin.

I know that we somehow talked in their hotel but clearly, we're that okay. Yes, I'm trying to be as casual as I can pero ang lakas ng loob kong sumalo sa kaniya sa pagkain noong nakaraan ay hindi ko na mahagilap ngayon.

One wrong move and I'll bleed again.

Amanda just confirmed, yet again, their engagement. At hindi na ako magpapadalos dalos ng kilos. I have learned my lesson andno need to test. Test me twice.

Pero kung hindi ko siya matatanggihan, siguro ay lalakasan ko na lang ang loob ko. It's just a dinner anyway. Maybe we can be as casual as we were the first time we ate together in their hotel. Tatahimik na lang ulit ako para walang mahabang usapan.

"S-sure," tanging nasagot ko.

The place and the food were all his idea. I'm too, preoccupied of the thought that I should avoid having long talks with him.

Everything looks absolutely perfect. Only that, the set up was obviously made for a couple. There's even a violinist on the side making it more absurd. But I chose not to speak about it.

"I like it here. The food's nice," aniya.

Nagsisimula na kaming kumain at kagaya ng gusto kong mangyari ay tahimik lang ako. Sana lang ay hayaan niyang ganito na lang.

"Yeah, it's delicious."

Muling dumaan ang katahimikan. "Are you gonna be busy this week?" mula sa kawalan ay tanong niya.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now