Chapter 33

301 7 0
                                    

Chapter 33

May matangkad na lalaking pumwesto sa harapan ko para pigilan ang mga reporters at bigyan ako ng daan. Pero anong magagawa ng isa sa dami ng mga sumusubok ma lumapit sa akin? Gaya ng inaasahan ay madami pa ding nakalusot sa ginagawang pagharang ng kung sinumang lalaki iyon.

Napansin na din ng mga airport staff ang nangyayaring kaguluhan kaya sinubukan na din nilang tumulong sa amin. Doon lang kami tuluyang nagkaroon ng daan palabas ng airport. Naghihintay na naman sa labas ang company van na sasakyan namin kaya hindi na kami nagtagal doon.

Kahit nasa loob na ako ng sasakyan ay panay pa din ang pagkuha ng mga litrato ang mga dumagsang reporters.

"Miss Ram..." Molly's first words when we're already inside the car.

"Molly, anong meron? Bakit sila nagkakagulo?"

Obviously, we're surprised. It has never happened to me before.

"Kasalanan ko, Miss Ram. I should have check the social media for any news or latest updates..." paliwanag ni Molly.

I still gave her my confused face, trying to get answers from her.

"There were news articles about you and Mr. Sechan Dew Russo. Kumakalat online ang mga pictures n'yo habang nag-uusap." Habang nagsasalita si Molly ay pinapakita na din niya mula sa tablet na hawak ang mga tinutukoy niyang articles.

"Dating news alone is very intriguing since you had past and Mr. Russo is one of the most sought after bachelor right now. Pero lalo itong uminit ng magpost ng kung anu-ano si Miss Vicencio na rumored fiancé ni Mr. Russo," I can see that.

Iba't ibang sites nga ang naglabas ng mga articles. Some headlines were even extreme or shady. Some were even blind items that's nonesense for being too obvious. Obviously, it was bias.

History Repeats Itself...

One of the Hottest Bachelor Caught Cheating with a Local Model

Famous Model Trying to Steal Governor's Fiancé the Second Time Around

Wedding to be Cancelled for the Second Time

Oh my gosh!

I checked the dates when the articles was published and I was surprised that it's only today! Talagang mainit na mainit pa nga ito. Oras lang ang pagitan ng mga articles.

My phone rang but I was too busy checking the articles. Iba-iba lang ang headlines pero pare-pareho lang ang content. There were also articles that seems trying to give the benefit of the doubt pero mas marami ang hindi. Mas marami ang nang-iintriga.

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Their 'engagement' has been known for years already, right after my scandal, it has circulated the internet. May mga nagtataka kung bakit hindi pa nangyayari ang kasal pero madaling natatabunan ito ng iba't ibang mga kadahilanan.

Minsan ay sa kadahilanang bata pa naman ang dalawa, o di kaya ay dahil nakafocus pa sila sa kani-kaniyang career.

Pero ngayon ay kumakalat ang balitang may third party! At ako ang pinaparatangan!

Siguradong alam na ito nila Mommy at Daddy. Nangyari na ito dati pero madali nilang napatahimik ang media.

Pero iba na ang sitwasyon namin ngayon. Hindi tulad noon ay mas kilala na ako. At mas kilala na din si Sechan. Hindi na ulit makokontrol pa gaya ng dati ang media. Wala na akong lusot ngayon.

Ang mga pinaghirapang pagtatakip sa akin noon nila Daddy ay nauungkat na din ngayon.

I opened one of my social media account and comments on my random pictures are fastly rising. And of course, most of them were hate comments kung hindi man lahat.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now