Chapter 21

325 8 0
                                    

Chapter 21

Nakatingin ang lahat sa akin, maging si Amanda kaya alam kong ako ang tinutukoy niya. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit.

Gaya ng sinabi niya noon, alam niya tuwing sinusundan ko sila. And, that has been years! Alam kong kahit kailan naman ay hindi siya na threatened sa akin. Alam niyang wala akong panlalaban sa kaniya. Masakit man pero wala akong karapatan.

Everything that I have for Sechan is one-sided.

"Tama ako, 'diba?! Sabihin mo sa kanilang lahat na tama ako! Speak!" nagulantang ako sa biglang pagsigaw at pagsugod sa akin ni Amanda.

Napatayo ako pero hindi nakaiwas sa kaniya. Hinablot niya ang braso ko at bahagya iyong nakalmot ng matutulis niyang kuko.

Natuyo na ang mga luha sa mukha ko. Gulat ako sa inaasta niya.

Binawi ko ang braso ko. Ramdam ko ang hapdi ng kaniyang pagkakakalmot doon, nag-iwan ito ng dalawang mahabang pulang linya. "Ano bang problema mo, Amanda?" sinikap kong hinaan ang aking boses para hindi marinig ng ibang bisita kahit na alam kong malabo iyon.

Ngayong malapit siya sa akin at naaamoy ko ang hininga niya ay napagtanto kong nakainom na siya bago pa man magpunta dito. Don't tell me she's drunk?

Hinawakan siya sa braso ng kaniyang Mommy pero nagpumiglas siya. "No, Mommy! This is the bitch I'm telling you about!" histerya niya.

Nahiya ako lalo na ng marinig ko na ang pangalan ko sa kung saan.

Pumagitna na sa amin si kuya kaya hindi na ako maabot pa ni Amanda. Maging si Sechan ay nasa gawi ko na rin.

"Ramona, what's happening?" litong tanong ni Mommy na nakapuwesto na sa likod ko ngayon pati si Daddy.

Hindi ko sila nasagot dahil muling nagwala si Amanda.

"You bitch! You're a whore! Ang kapal ng mukha mo!" sinubukan ni Amanda na abutin ako pero mabilis akong ikinubli ni kuya habang pinigilan naman siya ni Sechan. Their guard's strong that Amanda couldn't come any nearer. Puro ang pagsigaw na lang ang nagawa niya.

Sinubukan siyang kalmahin maging ni Governor pero parang wala siyang naririnig.

"Amanda, you have to calm down. Let's talk about-"

"No, tita!" maging si Tita Sophia ay nagulat ng putulin at sigawan din siya ni Amanda.

"Gov., I think it's better to take her home. She's drunk," si Sechan kay Governor.

"Hindi! Hindi ako uuwi! You're the reason why I got drunk! You and this bitch!"

Napaatras ako ng muli siyang nagtangkang lumapit pero agad uling napigilan. Ibinigay siya ni Sechan kay Governor at ito na ang may hawak sa kaniya ngayon.

Nag-inom siya dahil sa akin? Sa amin? Bakit naman niya gagawin iyon kung sa aming dalawa ay siya na nga itong dapat na nagsasaya at ako ang nagmumukmok.

"You went to a hotel and shared a room! You cheap whore-"

"Don't you ever call my daughter like that!" si Mommy na nakisali na din.

"And why not? Don't you know that your daughter is a desperate? She shared a room with Sechan in a hotel!" malakas na sigaw ni Amanda bago siya muntik na matumba.

Wala na siya sa tamang balanse. Kung hindi siya hawak ni Gov. ay baka bumagsak na siya.

Paano niya nalaman ang tungkol doon? Sinabi kaya ni Sechan? Maging ako ay naguguluhan na sa sitwasyon. Dagdag pa ang singhapan at iba't ibang sinasabi ng mga bisita. With all of them against me...

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now