Chapter 22

324 4 0
                                    

Chapter 22

I can't remember how that night ended. Pakiramdam ko ay nakalutang ako buong oras. My eyes were open but I'm not awake. Napuno ng interogasyon sa bahay kinabukasan. Lahat sila ay nag-aalala at gustong malaman ang totoo.

And I told them the truth, the whole truth. They didn't like it, of course at naiintindihan ko iyon. Dahil maging ako ay hindi pa din makapaniwalala sa aking mga nagawa.

Pero ang mas hindi ko maintindihan ay kung bakit nagsinungaling din si Sechan. Imposibleng dahil iyon sa ayaw niya kay Amanda. Alam ng lahat kung papaano siya nagpakatino para rito. Kung papaano siya tumigil sa pagiging playboy simula ng makilala niya ito. So, his reason or reasons are beyong my knowledge.

"You like him."

Nakaupo ako sa lamesa malapit sa poolside at nakatulala. Uminit na ang kaninang makulimlim na langit.

Umupo sa harapan ko si kuya bitbit ang dyaryong si Daddy ang madalas na bumabasa. Itinupi niya iyon sa kalahati para mabasa ko ang gusto niyang ipakita. In bold highlighted letters, the engagement of the youngest Russo was inscribed. To whom was not included.

Natulala lang ako doon hanggang sa inilapag naman ni kuya ang kaniyang smartphone kung saan naroon ang isang article tungkol sa parehong paksa. Ang kaibahan lang ay may mga kumento na nakalagay. Marami ang naglagay ng pangalan ni Amanda pero nagulat ako ng mabasa ko din ang pangalan ko.

"Ram, Sechan's here. He wants to talk to you," mas nagulat ako sa sinabi ng papalapit na si Mommy.

Starting at that point, the following days were a dream come true. I can't figure out clearly how or why everything turned to my side. It just happened.

"Where do you wanna go next?" Sechan asked me as he put his chin on my palm.

His eyes directly bore to me I can almost taste a piece of his soul. Katatapos lang naming mamasyal at ngayon ay nagtatanong na ulit siya ng mga gusto kong puntahan.

It has been three months since that night happened. And with the span of three months, Sechan and I has been going out subsequently. Sa tingin ko tuloy ay blessing in disguise ang mga nangyari ng gabing iyon.

Amanda had gone silent, too. I don't see her that much I almost thought she transferred school, but no, she doesn't. Talagang hindi lang siya nagpapakita sa akin, sa amin.

Kinabukasan ng magpunta sa amin si Sechan ay nagkausap kami. It was so awkward the whole time. I kept on saying sorry but Sechan just have this not-so-interested look on his face. Mas madalas pa siyang magtanong ng kung anu-anong mga bagay na tungkol sa akin.

"Your turn! Your turn!" sigaw ko kay Sechan.

Kanina ay nagpalayuan kami ng paglangoy pero siyang talo. Kung sana ay hindi ko pa alam kung bakit. Lagi siyang talo dahil lagi niyang inaalala kung nakaahon na ba ako at hihinto kapag napapansin niyang malayo na ang distansiya namin hanggang sa malagpasan ko na siya.

Akala ko ay tahimik na ang lahat. Na talagang nasa pabor ko ang lahat ng mga nangyayari, pero hindi.

Iniwanan ko sa cafeteria si Sechan para magbanyo. Nagdalawang isip pa akong tumuloy ng maabutan ko si Amanda na kakalabas lang ng cubicle. Pero bakit naman ako hihinto, hindi ba? Tahimik naman siya nitong mga nakaraan kaya sa tingin ko ay ayos lang.

"Pakasaya ka lang. It won't last forever." Maghuhugas na sana ako ng kamay ng magsalita siya.

I know she's talking to me. No one else's here.

"I'm not doing anything wrong," I said.

She didn't say anything anymore. She went out with her cliff hanger statement.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now