Chapter 1

706 12 0
                                    

Chapter 1

"Focus on your plate. Masyado kang halata,"  Kuya Jeremy reminded me on what I should do.

"H-hindi ah!" depensa ko.

Kanina pa simula ng dumating siya ay hindi na ako mapakali. At ang mas nakakainis pa ay hindi ko alam kung bakit! Hell, I haven't been like this with all my exes, kaya bakit sa kanya ay naiilang ako. Kahit pa hindi naman kami nag-uusap!

I heard kuya whisper things but my mind is too oblivious for it. Mas naging tipid ang pagnguya ko sa pastang kinakain at matagal din bago masundan ang  bawat subo.

Sechan's eyes didn't went on my direction again. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang huwag akong tignan. Habang ako naman ay halos mabilang na din ang ginagawa niyang pagkain at pagbukas ng bibig para sumagot sa kumakausap sa katititig sa kanya.

Suplado!

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng umalis na siya. Inimbitahan pala ni Mommy ang pamilyang Russo, partikular na sila Sophia at Santino Russo. Ang sabi ay wala daw ang mga ito sa bansa para dalawin ang panganay na anak kung kaya ang bunso ang nagpaunlak sa desisyon.

Alam kong malapit sila Mommy sa mga Russo at kahit pa sa nangyari noon ay hindi naman ito nagbago.

"Daddy! Akala ko po ay hindi ka makakadating." Agad akong tumayo ng makita ang kalalapit lang na si Daddy. Hindi ko siya nakita ng pumasok sa restaurant.

Humalik ako sa pisngi ni Daddy at niyakap din siya. Maging si kuya ay nagulat sa pagsulpot nito.

"Of course! I don't want your mom to get mad at me," he then let out a bark of laughter, maging kami din tuloy na nakarinig ay natawa na din. Nakita kong lumingon sa amin ang nagtatakang mukha ni Mommy bago iniwan ang kausap para pumunta sa aming lamesa.

Wala din palang ideya si Mommy na magpupunta si Daddy dahil ang alam niya ay nasa Batangas pa din ito at magtatagal pa ng dalawa pang araw para sa kung anong inaasikaso doon. Yup, galing din akong Batangas pero magkaibang lugar pa din kaya hindi kami nagkita doon ni Daddy, bukod pa sa ngayon ko lang din nalamang doon ito nanggaling.

We went home together happily. Pareho kami ni kuya na walang dalang sasakyan. Well, technically I have pero ng makarating sa restaurant ay pinahatid ko na si Molly kay Manong at hindi na din ako nagpasundo. Our SUV pick us up and the whole ride to the house was fun.

The next day, I decided to relax. After all, the next days will be hectic again. I went to my favorite spa and had a full body massage. Wala akong ibang maisip na gawin kaya naman nagpasya na din akong magikot-ikot sa mall kung nasaan din ang pinuntahan kong spa.

"It's nice. I'll get those..." I said to the sales lady.

Sa pag-iikot ay napadpad din ako sa mga makeup stores at ngayon nga ay bumibili na ng iilan. Maaga pa naman, maybe I can check out some perfumes, too? Marami pa ako sa bahay dahil na din sa mga sponsors pero parang gusto ko ding tumingin ngayon.

Mayroon din kaming restaurant dito sa BGC pero ewan ko ba at ayaw kong dumaan doon. Wala naman si Mommy doon at kahit pa malabo naman ay nag-aalala pa din akong muli na namang makasalubong si Sechan.

Speaking off, I think I should get used into it. I mean, I should remain cool whenever he's around. I can't be forever nervous with thoughts of seeing him. Kahit pa hindi naman kami madalas magkikita ay mas mabuti na ding handa ang kalooban ko.

I know that what happened was my fault, hindi ko itatanggi iyon. Kaya nga siguro ako itong mas higit na naapektuhan sa presensya niya. Oh, damn!

"Ramona is that you?" I heard from behind.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now