Chapter 15

318 7 0
                                    

Chapter 15

Maingay ang making sala nila Anthony dahil sa dami ng bisita. Nagkalat ang aming mga kaeskwela na mayroong kani-kaniyang grupo. Kanina ay ayaw pa sana akong iwanan ni Anthony pero napilitan siya ng tawagin siya ng mga kaklase na sinang-ayunin ko din lalo na't puro kaming babae na nakaupo. Ang mga lalaki ay may ibang pwesto.

"Cheers!" they shouted in uniform.

Siguro'y pang-apat na baso na itong hawak-hawak ko ngayon.

Ayaw kong malasing pero ayaw ko ding maging kill joy lalo na at unang beses ko ito.

Medyo nahihilo na ako pero nakikita ko pa din ng maayos ang lahat. Madalas ko ding tignan ang pwesto nila Sechan at wala naman halos itong pinagbago. Dalawang babae ang nasa magkabilaan niya at isa na doon ang kapatid ni Anthony na si Dianne.

Napatuwid ako ng upo ng makita ko ang pagyuko ng ate ni Anthony para bumulong kay Sechan. Mapungay na din ang mga mata ni Sechan habang hinihimas ang hiya ni Dianne. Patagal ng patagal ang titig ko sa kanila ay palala din ng palala ang pagkainis ko.

Tumingin sa banda ko si Sechan at naabutan niya akong kunot noong nakatingin sa kanila. Tinaas niya ang kilay niya ng hindi inaalis ang tingin.

"Hope it's your turn."

Tinanggap ko ang panibagong baso ng inumin at agad na inubos iyon. Pagkainom ko ay agad kong binalikan ng tingin si Sechan at naabutan ko siyang kunot noong sinasalubong ang tingin ko. O, bakit? Ano namang problema niya? Psh, baka nahihirapang mamili ng sasamahan sa mga babaeng nakapalibot sa kanya.

Agad na nag-init ang dugo ko sa isiping iyon.

Habang lumalalim ang gabi ay palala na din ng palala ang pagkahilo ko. May mga pagkakataon na hindi ko na matignan ng diretso sila Sechan o ang mga kasama ko. This isn't good.

Malapit ng grumaduate si Sechan at baka nga ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya sa mga ganitong pagtitipon. I need to take my chance now. Ang tagal ko ng naghihintay. Ang tagal ko ng sinabi sa sarili ko na may magbabago din sa aming dalawa pero hanggang ngayom ay wala. Wala na ngang improvement nauubusan pa ko ng oras.

Nakita kong tumayo siya ilang sandali pa.
Hindi na ako nag-isip pa at agad akong tumayo para sundan siya.

"O, san ka naman pupunta?" tanong ni Anthony na nakabalik na pala sa pwesto namin.

Nilingon ko ang gawi ng pinuntahan ni Sechan. Sa tingin ko ay papuntang hardin iyon.

"Magpapahangin lang," sagot ko.

Tinitigan ako ni Anthony kaya naman pinilit kong tumuwid ng tayo at tignan siya ng maayos. Nahihilo na ako pero nagpapasalamat ako na kaya ko pa namang mag-isip ng maayos.

Nakalabas ako ng hardin ilang sandali pa. Kung papaano ko naiwan si Anthony sa kanilang sala ay hindi ko na maalala. My, lasing na ata ako.

Hindi madilim sa labas dahil bukod sa liwanag galing sa kanilang sala ay marami ding nagkalat na ilaw.

Saan naman kaya nagpunta si Sechan? Baka naman umuwi na siya? Hindi pwede! Pinilit ko sila Mommy at Daddy na payagan akong pumunta dito ay hindi pwedeng mabaliwala lang iyon.

Hindi naman masyadong malaki ang garden nila Anthony kaya hindi mahirap makita kung may tao ba pero dahil nakakaramdam na ako ng pagkahilo ay nahihirapan pa din ako.

Shit.

Napahawak ako sa bench ng naramdaman ko na parang bumabaliktad ang aking sikmura. Nasusuka ako.

Wala nga atang mangyayari sa gabing ito at paniguradong uuwi lang ako ng lasing. Nang maramdaman ko ang isa na namang bugso ng pakiramdam na masusuka ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na akong tumalikod para hanapim ang banyo. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakaikot ay nasuka na ako!

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now