Chapter 39

304 5 0
                                    

Chapter 39

Maaga ang trabaho ko bukas pero hindi ako makatulog. Kanina pa ako nagpapaikot-ikot sa kama at binabasa ng paulit-ulit ang text ni Sechan.

Sechan:
I'm home. I miss you.

Ako:
Kakahatid mo lang sakin.

Sechan:
I know but I can't help it.

Ako:
Good night, Sechan.

Sechan:
Alright. Good night, too.

Kanina... iyon ang first date namin as a couple, diba? Lumalakas ang tibok ng puso ko sa mga naiisip ko.

"Ang hirap."

Hindi ko maalis sa isip ko ang itsura ni Sechan ng sabihin niya iyon kanina.

"Mahirap dahil kahit akin ka, hindi kita pwedeng bawalan na lumapit o lapitan ng iba."

He then kissed me shortly.

"Uh!" Bumangon na lang ako dahil mukha namang hindi ako makakatulog.

Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko ang itsura niya kanina. Itsurang sumusuko, nasasaktan at determinado. Hindi ko alam kung paano niya naipapakita iyon ng sabay pero ganoon ang nakita at naramdaman ko kanina.

Totoo naman ang sinabi niya. Kahit na kami na ay hindi maiiwasang madikit ako sa iba lalo na sa gawi ng trabaho ko.

Kadalasan ay may mga male models akong nakakapareha sa mga photoshoots. There are times what we would need to be touchy but of course, all of that was and will be done professionally. Madami na akong ginawang ganoon.

Pero iba ang pakiramdam ko ngayon pagkatapos ng mga sinabi ni Sechan. Madalas ding magpapicture sa akin na mga lalaki at gaya ng sinabi niya ay hindi niya pwedeng pigilan iyon. Napigilan niya lang naman ang waiter kanina dahil totoong kumakain kami at hindi dapat umaaktong ganoon ang mga staff dahil nasa trabaho.

I know I really don't mind that but Sechan was right.

Pero hindi lang din naman siya ang nag-aalala.

Hindi lang naman sa akin pwedeng may lumapit. Sa kaniya rin. And I don't think that it would matter to those who would dare if he already has a girlfriend or not. Kanina nga lang sa restaurant na nandoon pa mismo ako, walang pasubali na kung makapagpapansin iyong babae. Ano pa kaya kung hindi ko nakikita?

Kung sabihan ko kaya si Sechan na lumayo sa mga babae?

Damn! Syempre imposible iyon! May mga babae silang kliyente at empleyado.

Paano kung si Amanda?

All along alam na alam ko kung gaano niya din kagusto si Sechan. Naipagkakalat pa nga niya ang pekeng kasal.

Speaking off... Ano kaya ang gagawin ni Amanda ngayon? Kapag nalaman niya na kami na ni Sechan. Would she accept it?

Gusto ko sanang isipin na magagawa niya ngang tanggapin pero kung ibabase sa personalidad niya.... sa tingin ko... hindi niya mabilis na matatanggap.

Kahit na peke naman ang kasal na ipinagmamalaki niya, sa ilang taon na pinaniwalaan niya iyon, alam ko masasaktan din siya. Sana lang ay wala siyang gawin na makakasama sa amin o sa kaniya.

I'm hoping that she would accept it maturely.

The following days were roller coaster. Gaya ng inaasahan namin ay naging mainit na balita nga ang mga sinabi ko sa interview. So far, we're getting positive feedbacks from that.

"I guess, just days from now, the issue will fade. Maski ako ay nagulat sa interview mo," ang boss namin na si miss Tamara.

Hate comments in my social media accounts were vanishing as well. Mas madami ang bumabati sa amin ni Sechan.

Another Chance (Russo Series 2)Where stories live. Discover now