Chapter 39

1K 44 32
                                    

1st Person's POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nakagawian ko ang tumulong sa mansyon sa pagluluto o kung ano. Nang makaligo na ako at lahat ay nagdalawang isip akong buksan ang pinto dahil naalala kong nandito pala silang lahat. Paano kung magkita nanaman kami ng isa sa kanila? Pano kung ang lolo niya naman makasalubong ko? Baka himatayin na ako sa kaba.

Sinubukan kong sumilip sa labas at wala namang ingay ang naririnig. Siguro ay tulog pa sila, babalik na lang ako sa kwarto kung lumabas man ang isa sa kanila.

Pumunta ako sa kitchen at naabutan ko ang cook na nagluluto. Hindi na yung chef nung nakaraan kundi yung regular cook ng pamilya.

"Oh, Ziaren. Ano at tutulong ka nanaman?" tanong ni Ms. Delia na busy sa kaka ikot.

"Kung maghuhugas lang naman po ay okay lang."

"Ay, jusmiyo kapag kami talaga ay mapagalitan, baka masilip nanaman tayo tulad kahapon."

Hindi ako nakatulong kahapon dahil dumating ang personal nurse ng Donya, nakita niya ako na nagtatadtad ng rekados kaya bumalik ako dahil baka magsumbong.

"Hindi naman po ako sinumbong, saka nababagot ako kapag walang ginagawa."

"Oh siya at mapilit ka, kunin mo yung apron at maglagay ka ng harina dito." tinuruan niya ako sa gagawin ko at hindi naman din iyon mabigat. Nag request daw kasi si Mrs. Ruego ng pastry kaya matapos ang ilang oras ay pawisan ako at may bahid ng harina sa katawan.

Nang ihahain na sa dining ang lahat ay kinuha ko ang binake namin at maingat itong dinala palabas, sa baba ang tingin ko para hindi ako matalisod nang may isang pares ng paa ang hindi tumabi sa dinadaanan ko. Mukha siyang nakasandal sa mismong pintuan at mukhang naka krus pa ang braso.

"Excuse me," huli na ang lahat nang matanto ko kung sino iyon. Dahil tama nga ako at pag harap ko ay matalim ang tingin ni Luciel ang nakatuon sa kabuuan kong ayos.

"Goodmorning sir," inosenteng nakangiti ang sinabi ng isang kasambahay sa gilid dahilan para matigilan ang lahat at lingunin kami.

"A-ang akala ko naka alis ka na."

Sinipat niya ang relo saka ako ulit binalingan. "I will leave this evening. You seems busy,"

"Ay, ako na riyan at mabigat ito." sumingit sa amin si Ms. Delia at kinuha ang dala ko.

Sinipat ni Luciel ang iilang bahagi ng katawan ko na sa tingin ko ay may bahid ng harina o dumi.

"Tumulong lang ako,"

Tumabingi ang ulo niya at nanliliit ang mata sakin. "You thought I wouldn't know? You've been doing this since I brought you here."

I shrugged. "Wala namang mali sa ginagawa ko," inosente kong sagot.

So, totoo nga na he IS watching me.
Kaya niya ba ako nasundan doon sa basement?

"Wala naman akong sinabi," sagot niya. He extended his index finger as he swiped it on my nose at may bahid na iyon ng harina na pinagpag niya gamit ang sariling thumb. "You're not going to bake yourself, are you?"

Namula ako sa tanong niya at tinalikuran siya. Kinagabihan noon ay nasa kwarto ako tumambay, nalaman ko rin na pagkatapos ng pananghalian kanina ay naka-alis na ang miyembro ng pamilya, I think si Luciel rin ay umalis na rin.

Ginala pa ako ni Irah kanina bago umalis, nakwento niya rin ang tungkol sa kanila ni Klein. Hindi naman sila nagkakamabutihan, naiinis pa nga daw siya dito kasi palagi niyang nakikita sa school nila, ginawa raw yatang pamalit pansamantala sa professor nila na nag resign.

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon