Chapter 26

346 17 6
                                    

1st Person's POV

"This property is also Luciel's so I can come here anytime I want to," ngumiti siya ng pagka tamis tamis at hinarap ako.

"Alam niya bang nandito ka?" tanong ulit ni Zoren. Sa itsura niya ay parang hindi niya nagustuhan ang pagpunta niya dito.

"Nagpalaam ako,"

"Pero hindi pinayagan,"

"Still, nagpaalam ako."

Hindi na nakasagot si Zoren at hinarap ako. Ngumiti siya at inangat ang dala.

"Mga kailangan mo. May mga gatas na jan at bitamina at.. iba pa," napakamot siya sa batok at awkward na napangiti.

"Bakit ikaw ang napag-utusan nito?" kinuha ko ang bag at inilapag sa mesa. Kadalasan kasing nagdadala nito ay yung mga kasambahay na namamalengke talaga.

"Idinaan ko na at wala naman akong ginagawa."

"How sweet," napalingon kami kay Lyndsay na nakapalumbaba na nakatanaw saming dalawa, nakangisi siya.

"Akala ko ay naka-uwi ka na sa Maynila." patukoy ni Zoren sa kanya.

"Nah, gusto ko muna mag stay, inaalam ko kung bakit parang wala nang balak umuwi si Luciel ng Manila at dito nalang siya lagi." umismid siya saka nagpatuloy, "Titingnan ko kung anong pinagkaka-abalahan niya dito."

Napalunok ako at umiwas. Pakiramdam ko tuloy ay para akong na hotseat at maya-maya lang ay pagpapawisan na. Nagsisikreto si Luciel sa kanya at hindi man niya alam na magkaka anak na ang lalaking gusto niya.

Bakit hindi nalang ito ang binuntis niya kung ganoon? Gumastos pa. Bagay pa naman sila, at kung hindi naman siya gusto ng lalaki ay nakakapagtaka naman iyon lalo na sa ginawa nila nung nakaraan.

"Anyways, susunduin naman ako non for sure in a moment from now so, mind if we go inside? It's hot in here." hinawi niya ang buhok.

Nagtinginan kami ni Zoren at kita ko sa kanya ang pag-aalangan. Sa huli ay nilingon niya ulit ang bisita at inakay niya na kami papasok.

"Indeed. Its his."ngumiti ng pagkakalaki si Lyndsay at umupo sa sofa nilibot niya ng tingin ang bahay umupo ako sa harap niya nang dumating si Christie upang kunin ang dala ng kapatid.

"Kapatid mo iyon diba?" tanong niya kay Zoren nang maka alis ang kapatid sinagot naman niya ito ng tango. "So magkasama kayong tatlo dito?" dumapo naman ang tingin niya sakin.

"Hindi, may sarili akong bahay." sagot ni Zoren na mukhang ipinagtaka ni Lyndsay.

"Not with her? But I thought you guys were together?"

Hindi ko naumpisahan ang dapat kong isagot sa naitanong niya dahip sa biglaang katok sa pinto at ang biglaang pagtayo din ni Lyndsay na mukhang nasasabik.

"Oh, he's here. I think that's him! Wait," tumayo siya at nagmamadaling nagtungo sa pinto. Hindi ko naman mapigilan ang pagkabalisa at ang kaunting kaba na dumaloy sa sistema ko.

"Where's Luciel?" Malakas ang boses ni Lyndsay ng sabihin niya iyon mula sa bukana. Nang nilingon ko siya ay lumapit doon si Zoren at nakita ko na ang taong dumating ay isa lang sa mga tauhan.

"Ipinapabalik niya po kayo sa mansyon, Ma'am." magalang nitong sabi.

"Where's he?"

"Hindi po namin alam, tinawagan niya lang po kami at kailangan niyo na pong bumalik."

"Hindi ako uuwi hangga't hindi siya ang pumupunta dito. Tapos." Sinarado niya ang pinto at nakasimangot na bumalik sa pagkakaupo.

"Akala ko ba ay susunduin ka?" mapang asar na tanong ni Zoren na nakasandal sa isang small cabinet at krus ang braso.

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon