Chapter 53

68 3 0
                                    



AWKWARD.

Sinulyapan ko si Klein na nakataas ang kilay kay Irah, he seems clueless sa mga nakakamatay na tingin nito at mukha pa syang nagtataka sa inaakto niya.

Umupo si Irah sa tabi ko at hinawi ang buhok.

"Bakit bigla kang nawala? I went to Ate Ren's house but she told me that umuwi ka na. I told you I'll visit you!" She pouted.

"Something came up, void na rin contract ko kay Kenshin Ryosei, and wala nakong gagawin dun so, umuwi nako."

"Kenshin?" Nagtataka nyang tanong.

"Yes. Sya yung dahilan kaya ako umuwi, nag invest ako sa Company niya,"

"What?!"

"Yeah.." I faint a smile.

"Oh my, good thing you left his company na." That guy!" Nakasimangot niyang litanya.

"Paano mo pala nalaman ang address ko?"

"Kuya," she innocently replied.

"Oh, he's.. with you?"

Hawak ang braso ko ay inosente syang umiling.

Lumipat ang tingin niya sa harap namin, kay Klein. Nagsalubong pa sila ng tingin.

"You're not with your girlfriend?" mataray niyang tanong.

"Kilala mo siya?"

Umirap si Irah. "We're blockmates,"

"Ahh, how's she in school?"

"I don't know, I don't care." Mataray niya paring sagot. "Ang alam ko lang, she's being insecure. I don't even know why she's always mad at me."

"Huh?"

"Oh. You don't know?"

"Stop talking sht,"

"It's true!"

"She always brags about everything she has, and she thinks she's better than me."

"She's not like that. Baka hindi sya yan," iling ni Klein.

"Oh really? Sino yung sinundo mong short haired girl na naka pink nung nakaraan sa parking lot?"

Nanlaki ang mata ni Klein at unti unti ay namula ang mukha. Tumayo sya at hinakbang ang pagitan sa amin.

"Stop talking,"

"Guess what?" Hinarap ako ni Irah. "They were french kissi–hmp!" Hindi natuloy ni Irah ang sasabihin nang hawakan ni Klein mula sa likod niya ang bibig nito.

"I told you to stop it,"

"Hmp!"

They're in chaos!

Nakangiwi akong tumayo at iniwan sila sa sala. Hays, kung mag rambolan sila dun ay tila close sila. Bahala sila jan magkagulo.

Natatawa nalang ako sa isip ko dahil sa pinaggagagawa nila. They look cute, tho may girlfriend tong si Klein, so no Ziaren! Stop thinking stupid things!

"Aray! Tangina! Ang sakit ng kagat mo!"

"Ayaw mo ako bitawan eh! Gosh! Mukhang di ka pa naghugas ng kamay and you put it on my face!"

"Because you won't stop yapping sht,"

"What? Totoo naman ah,"

"What are you? Pervert? Pagkakalat mo pa privacy ng ibang tao? The fuck is wrong with you?"

Nasa kusina ako pero dinig na dinig ko pa rin pag tatalo nila. Mukhang natahimik si Irah sa sagot ni Klein. Nako, napahiya yata ang Red Team.

"She did it to me too! She did worse!"

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon