1st Person's POV
MATAGAL bago ko napagdesisyunang bumaba, ayoko namang istorbohin ang mag-ama.
Lumabas ako ng kwarto namin at hindi pa man nakakahakbang ay nakasalubong ko si Luciel sa hallway na karga si Lucille habang natutulog.
Mahigpit ng paghawak ko sa doorknob at binuksan ulit ang pinto.
"She..fell asleep,"
Tumango ako at iminuwestra ang kwarto.
Pumasok siya at saglit pa na nilibot ang mata saka inilapag ang anak ko sa kama.
Inayos ko ang unan niya at hindi ko na siya kinumutan, siguradong sisipain niya lang iyon maya-maya.
Nilingon ko si Luciel na nakatayo sa likod ko. Pinagmasdan niya lang ako kanina at tahimik na nakatayo.
Ang awkward.
"Thank you." hindi ko ipinahalata ang pagkabalisa ko sa sinabi niya.
"You don't have to thank me," iniwas ko ang tingin at itunuon kay Lucille.
Hindi siya sumagot.
"Luciel," lakas loob na hinarap ko ulit siya. "I'm sorry,"
Nakita ko kung paanong nangunot ang noo niya at tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. Umigting ang panga at napabuntong hininga na iniwas ang tingin.
"I-I know you're mad— of what—"
"Stop talking," napaatras ako dahil sa gulat.
Is he not accepting my apology? Ganito ba katindi ang galit niya sa akin.
Nagtataka akong nakatayo sa harap niya at hindi na ulit makapagsalita na tila may magic sa labi niya that left me speechless.
"What are you apologizing for?" seryoso niyang tanong. Napalunok ako at hindi na talaga nakasagot.
Hindi ko na siya naintindihan.
Nilingon niya si Lucille dahil siguro baka magising siya na nagtatalo kami. Kaya nang hawakan niya ako sa wrist at hilain palabas ay hinayaan ko siya.
Hinarap niya na ako nang nasa harap na kami ng stairs.
"Ziaren, do you really think I am dumb for not knowing what happened that night?"I never dare to look at him, my gaze were glued on the floor.
"Noong nakita kita, I asked you one time to see if you really trust me. Na sasabihin mo ang totoo at nagsisinungaling lang ang gagong iyon."
Napapikit ako nang simulang magwala ang mga luha ko.
"But, you gave me lies." I can feel pain from his voice. My heart sank at the thought of what happened from years ago.
"You chose to let me think that I should let you be,"
"I.. n-natakot ako na baka.." suminghot ako at hindi natuloy ang sasabihin
"Na baka pumatay ako?" his cold tone sent chills through me. "I know you're selfless," hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon, nagtagpo ang mga mata namin at nakakatwang hindi ako nakaramdam ng hiya kahit na basang basa na ang pisngi ko.
"But I never thought you can be selfish at the same time," bumaba ang mata niya sa labi ko.
Abot langit ang kaba ko, inilapit niya ang katawan sa akin dahilan para umatras ako. Hindi na ako nakagalaw nang macorner niya ako sa pader ng kwarto ni Renee.
"You gave me pain that hurts so bad I could imagine millions of thoughts on how to punish you every-fckin-day," he murmured.
Umawang ang bibig ko sa narinig. Nanlalamig ang batok ko at hindi makagalaw, tila umatras bigla ang luha ko sa naramdaman at sunod sunod na napalunok.
Mahigpit ang hawak ko sa polo niya at alam kong gusot na iyon pag natanggal ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...