Chapter 13

322 13 0
                                    

1st Person's POV

MGA halos kalahating oras din akong naghintay kay Christie sa sala kaya naman bagot na bagot at inaantok na'ko kaya nakakaraming hikab na ang ginawa ko. Ewan ko, gusto ko lang maghintay, medyo curious pa din kasi ako dun sa Luciel.

Pakiramdam ko narinig ko na yung pangalan na yun sa kung saan at napaka pamilyar pero hindi ko nalang din ito inisip dahil marami naman talagang Luciel sa mundo. Well, may part sakin na medyo hindi convince dahil pati boses niya ay pamilyar pero pinili ko nalang itong isantabi at hinintay si Christie.

Hindi natapos ang pang ika-labin limang hikab ko nang pagbukas ng pintuan ay sumisinghot na pumasok ito sa loob.

Anong.. umiiyak ba 'to?

Naka yuko ang ulo nito at ayaw humarap sa' kin kahit na sinusubukan kong silipin ang mukha niya.

"Umiiyak ka ba? Anong nangyari?" Nag aalala kong tanong at hinawakan siya sa braso.

"H-hindi po. Papasok na ho ako sa kwarto.. M-matulog na rin ho kayo."

O Baka naman..

"Boyfriend mo ba yun?"

Singbilis ng pag singhot niya ang pag angat niya ng tingin sa'kin at nagugulat akong tinitigan na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Siguro'y nagulantang lang siya dahil pansin ko na may relasyon sila? Siguro nga. Kung ganon, ay ang galing ko manghula.

Ngumiti ako sa nagugulat niya paring ekspresyon "Okay lang yan. Nandito ako palagi, kami ni Angeline. Matutulungan ka namin. Nag away ba kayo? Ang gwapo ng boyfriend mo ah."

O-kay... sa sobrang gulat niya ay halos hindi na siya makasagot sa'kin. Ako lang siguro ang nakaka-alam sa relasyon nila kaya siguro ganyan siya.

"Mabuti pa, itulog mo na iyan. Sige na," Hinila ko siya at halos ipinagtulakan papasok sa kwarto niya.

"T-teka! H-hindi h-"

"Bukas na tayo mag-usap okay? Gabi na. Naku, pag nakita ko yung lalaking iyon sapak siya sakin! Sige na.. Goodnight!" Nang maitulak ko ang pintuan ay isang hikab ulit ang pinakawalan ko. Sobrang inaantok na talaga ako!

Pinatay ko na ang ilaw at papasok na sana ng kwarto ko nang maaninag ko ang kumikintab na isang bagay sa isang table. Galing ang ilaw ng kintab niya sa labas mula sa sinag ng buwan. At nang makitang isa itong gintong singsing ay naalala ko yung lalaki.

Sa kanya ito. Nandito din yung mukhang susi ata ng kotse na katabi lang nito.

Nagdadalawang isip pa akong kunin ito kasi baka mapagbintangan pa ako. Tsaka para kasing totoong ginto iyon kaya kinakabahan ako at baka maiwala ko pa.

Nang maalala ko si Christie ay napag desisyunan kong kunin ito at ihatid sa kwarto niya. Tutal, siya naman yung mas nakakakilala dun sa lalaki, sa kanya ko nalang ibibigay.

Tatlong marahang katok ang ginawa ko saka naghintay ng tugon niya kung magbubukas ang pintuan o maririnig ko siyang lalabas. Ngunit wala na akong narinig na hudyat niya.

Maybe she's sleeping na. Kaya napagdesisyunan kong bumalik nalang sa kwarto at matulog.

Ngunit ilang oras din akong nag-isip kung paano iyon itatago na talaga namang maalala ko dahil baka ma misplace ko nanaman at makalimutan ko. Medyo malaki pa naman ang kwarto ko at dumadami na ang gamit mula sa limang buwan kong pananatili dito.

Kinabukasan ay ingay agad sa labas ang bumungad sa araw ko. Alas siyete ako nagising at pakiramdam ko ay mahuhulog pa ang mata ko sa sobrang antok pero hindi ko na nagawa dahil sa ingay. Rinig ko ang parang table na tinutulak at upuan at iilan pang nagkakalansing dahilan ng pagka irita ko. Kaya naman badtrip akong tumayo at nagdadabog na binuksan ang pintuan para sana magreklamo pero na stock ang lahat ng pwede kong sabihin nang makita ko ulit siya.

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon