Chapter 28

366 15 3
                                    

1st Person's POV

"ANONG nangyari?" Nag aalalang bungad sa akin ni Christie ng makapasok ako. Natigilan siya nang matanaw ang tao sa likod ko at yumuko.

"Wala, nauntog lang." Pilit akong ngumiti at dumiretso sa kusina.

"Okay ka lang ba?" sunod sakin ni Christie tanaw ang ilong ko. "Napano iyan?" nag aalala niyang dagdag bago naghanap ng tissue at ibinigay sa akin.

Natanaw ko si Luciel na nakatayo at naka pamulsa sa bungad ng kusina, nakatingin lang siya sakin.

"Nauntog lang," sagot ko at sinubukang iangat ang ulo para tumigil ang pag dudugo ng ilong ko.

"That's not how you do it," biglang sambit ni Luciel na ipinag krus ang braso at kunot ang noo.

"Huh?" I retorted.

"Sit." He replied.

Hawak ang ilong ay sinunod ko siya at umupo sa silya sa kitchen table.

Ano ganap niya?

Kumuha siya ng maliit na parang batya at nilagyan ng kaunting tubig itinapat niya sakin iyon at ipinatong sa lap ko.

"Let it bleed," Ika niya at umupo sa harap ko. Tinanggal ko ang tissue na nakalapat sa akin at hinayaang sa maliit na batya tumulo ang dugo. "Then hold this," kinuha niya ang kamay ko at pinahawak sa bridge ng ilong ko. "Keep it until 10 minutes." naka ngiwi niya akong pinagmamasdan, hindi ko alam ang nasa isip niya kung nag-aalala ba siya o ano. Kumuha siya ng tissue na nilapag ni Christie at akmang lalapit sa kin.

"A-ako na po sir ang mag aasikaso sa kanya." Natigilan si Luciel at nilingon si Christie gamit ang mata bago ako ulit tiningnan. He cleared his throat before he stood up at naka pamulsang bumuntong hininga.

"Wala naman ito Christie, kaya ko naman sarili ko." sambit ko.

Tiningnan niya lang ako at hindi sumagot saka siya umiling at sinenyas si Luciel na kunot ang noo. "Hindi pwede," bulong niya.

Tinanaw ko ang lalaki at nagtama ang tingin namin saka nagtaas siya ng kilay.

Masungit nanaman.

Matapos ang ilang minuto ay dumating si Zoren.

"Anong nangyari? Napano ka? Bakit tatawag ng ambulansya?" Sunod-sunod niyang tanong pero hindi siya nilingon ng tumawag sa kanya.

"Nauntog lang yung ilong ko," nakangiwi kong sagot dahilan para mahinto siya at malingon ang katabi niyang naka simangot.

"What?" he spat.

Napangisi si Zoren. "Ambulansya huh?"

"Nag panic lang siguro si Sir Luciel, kuya."

"I wasn't," agad niyang tugon. "I just thought she was dying."

Umubo ako ng sinasadya. Grabe naman sa mamamatay? Siya iuntog ko diyan eh.

"Bakit ka nauntog?"

Nilingon ko si Luciel, I was expecting na mag sabi siya ng nagawa niya. Instead, he looked at me blankly.

Kaya ganon nalang ang pag-ikot ng mata ko sa kanya at sinabi ang nangyari.

"Bakit naman nasalubong ng ilong mo yung gate?" nagtatakang tanong ni Zoren na nakapagpa tahimik sa lahat. Nagtatakang nakatingin din sakin si Christie at tila nakangisi si Luciel na nakatingin sakin.

"Huh?" andami naman niyang tanong. "Ano.. yung.."

"It was my fault. She was locking the gate when I pushed it open,"

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon