Chapter 43

229 6 0
                                    

1st Person's POV

HIS jaw is hardly clenched. As if he's mad about something yet, he seems cold.

Nakatitig lang siya sa akin, na parang hindi niya ako kilala.

Gusto kong magtanong kung bakit. Gusto ko ring tanungin kung paano niya nalaman na nandito ako, kahit na galing pa siyang Espanya ay natunton niya kami.

He is this powerful, he really can do everything.

Nag-umpisa niyang nilakad ang distansya namin, gusto kong umatras sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Na parang ano mang oras ay may maaari siyang gawin.

Napapalunok akong tinitigan siya hanggang sa umupo siya sa harap ko nang hindi nilalapat ang pang-upo sa sahig at nakapatong ang braso sa tuhod. Gusto kong mahiya sa ayos ko at itsura ko nang ma-amoy ko ulit siya.

Hindi ako nananaginip.

"You made a promise,"

Napapikit ako ng mariin at hindi agad nakasagot dahil hindi ko naiintindihan ang nangyayari, na kung bakit niya sinasabi iyan.

My heart is almost exploding, his voice is soothing that I actually don't know why I feel like he's somewhat disappointed, or sad.

"So, this is how you want to stay away from me,"

Umiling siya at yumuko. "This is not the first time you've done this, but you did it so well this time that it pains me,"

Hindi ko alam kung may sandali bang tumigil ako sa pag iyak mula pa kanina sa insidente dahil hanggang ngayon ay sunod-sunod pa rin ang luha ko.

I.. want to explain. Pero napagod ako, napapagod na ako.

It's as if the tables have turned at hindi niya ako paniniwalaan sa sasabihin ko.

May narinig akong impit na sigaw kasabay ng mahinang putok na sigurado akong silencer ng baril.

May narinig akong parang umiinda sa labas at ilan pang tunog na nakapag tayo ng balahibo ko, habang ang kaharap ko naman ay nakatitig lang sa expression ko.

"A-anong nangyayari sa labas? Asan sila Angeline? What did you do to them?"

Hindi siya sumagot kaya ako ang tumayo at dali-daling naghanap ng pinto palabas. Sinubukan ko iyong buksan pero halos maipit ako ng pigilan ng nasa likod ko ang pagbukas ng pinto.

"I wouldn't do that if I were you," malamig niyang sabi mula sa likod ko dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko sa batok.

"What have you done?" Hinarap ko siya.

"I should be the one to ask you that question," hindi ako mapirmi dahil sobrang lapit niya sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang labanan ang titig niya.

"Were they telling the truth?" Tanong niya na ipinagtaka ko. "That you planned all of this?"

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong? Bakit sa akin nila isinisisi ito? Bakit nila kailangang baliktarin ang sitwasyon.

Sa gulat ko ay hindi agad ako nakagalaw, nakatulala lang ako sa kanya at hindi na na p-proseso ang nangyayari.

Pag tumanggi ba ako, anong mangyayari? He will kill all of them. Without mercy. This man in front of me is capable of anything. Kaya niyang dispatyahin ang taong haharang sa kanya, at base sa narinig kong putok ng baril ay malamang pinatay niya na ang isa sa kanila.

Nanghina ang tuhod ko kaya napasandig ako sa pinto, na b-blangko ako dahil hindi ko na alam ang iisipin.

Ililigtas ko ba ang sarili ko? Kapag tinanggi ko ba ang accusations ay mabubuhay sila?

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon