1st Person's POVA week had passed, I was loving this place much more. I've met so much of people and be close with the workers here.
Madalas din ang pag-aakay sa'kin ni Zoren para malibot ang lugar. Mabait siya at gentleman at sinasamahan niya rin ako sa mga gusto kong gawin.
Kasalukuyan kaming nasa isang kubo
kasama ang ilang mga trabahador at namumuhay dito sa Hacienda Luciella. Ngunit ganoon na lang din ang pagtataka ko dahil ni isang impormasyon sa lugar na ito ay hindi nila pinapaalam sa'kin. Nag kukuwento lamang sila ng mga ginagawa at pamumuhay nila, bukod din sa alam kong mala-paraiso ang lugar ay hanggang doon na lamang ang alam ko. Hindi ko parin kilala kung sino ang may ari ng bahay na tinitirhan ko."Ilang taon ka na?" Wala sa sariling tanong ko kay Zoren habang kumakain ng bibingka na binigay sa'kin ni Lola Piling. Pansin ko ulit ang pagkakatitig niya sa'kin.
Sa isang linggong pag tira ko dito ay kapansin-pansin talaga sa kanya ang madalas niyang pag titig sa'kin lalo na sa tiyan ko. Yun bang titig na mukhang masaya?
"Dise otso," Sagot niya na ikinagulat ko.
"18 ka palang?" Ang akala ko kasi ay 20 plus na siya dahil na rin sa katawan niya. Hindi naman siya mukhang ganon kalaki, may katangkaran din kasi siya.
"Mukha ba akong mas matanda sa edad ko?" Natatawa niyang saad at nilingon ako, sumingkit ang mata niya dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa loob ng kubo. Tanghali na rin kasi.
"H-hindi naman. Medyo mature ka lang tingnan." Mahina kong sagot at pinagpag ang puti kong damit dahil medyo nadumihan ng kinakain ko.
"Ziaren. Kumain ka pa, ito at may saging." Saad naman ni Tiya Mona. Nginitian ko lang siya at nahagip ng mata ko ang kulay berdeng saging sa lamesa. Natakam ako kaya kumuha ako ng isa at binalatan.
"Hindi pa luto iyan!" Nagugulat na sabi ni Zoren at pinigilan ang kamay ko ngunit nakain ko na ito. "Masarap naman ah," Ngumunguyang sabi ko habang nakangiwi itong nakatingin sa kinakain ko.
"Hayaan mo na't iba ang panlasa ng buntis sa lalaki," Sabi ni Lolo Ramon. Ilan sa kanila ang nagsitawanan.
Bumaling ang atensyon ko kay Zoren na nahuli kong nakatitig nanaman sa tiyan ko. Gusto niya bang kainin ang nasa loob ko? Bakit ba siya tingin ng tingin sa tiyan ko? May gusto ba siyang-- Hindi ko natapos ang iniisip ko nang pagkatitigan ko ang mukha niya.
Hindi kaya?
Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.
"Zoren, anong oras mo ba ihahatid ang apo ni Donya Luciella na si Aira?" Napabaling ako kay Kuya Victor na kapatid ni Zoren.
"Alas dos," sagot nito.
"Oh, eh malapit nang mag ala-una. Ihanda mo na yung kalesa," Utos ng Kuya niya.
Nang maka uwi ako sa tinitirhan ko ay hindi na nawala sa isip ko ang hinala ko. Simula palang nung dumating ako ay iba na ang inaakto niya. Palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa'kin at palagi niya akong sinasamahan para daw mabantayan ako lalo na't may dinadala ako. Hindi ko alam, ayokong magsalita ng tapos pero nanghihinala ako. Lagpas alas dos na nang makarinig ako ng katok sa labas. Kaya lumabas ako ng kwarto at sinilip kung sino iyon. Inaasahan kong si Zoren ang dadating pero nang makita ko ang isang babaeng bumaba mula sa labas ay napa-awang ang bibig ko.
"Irah?" Nagugulat kong tanong.
"Ziaren!" Masayang wika nito at lakad-takbong lumapit at niyakap ako. Imbes na matuwa ay nagtataka ko siyang tingnan nang kumalas ang yakap.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...