Chapter 32

362 20 3
                                    

1st Person's POV

TANAW ko ang malaking glass window mula sa couch na kinauupuan ko. Pinabalik ako dito matapos ang insidente kanina at mag-isa ulit dito, bagot at walang magawa.

Pwede naman daw akong kumain o gawin kung ano ang gusto na bilin ni Irah pero alas diyes palang at hindi pa ako nagugutom dahil kumain kami kanina sa sasakyan papunta palang dito.

Medyo iritado din ako sa nangyari kanina. Hindi ko nagustuhan ang pagkakaladkad sa akin kanina. Hindi na ako magtataka kung hindi naman pagsasabihan ni Luciel ang sekretarya niya, baka nga pasalamatan pa nito! Tss.

Si Mr. Salvaleon ang lalaki kanina na kasama ni Luciel, sa kanya ako nag t-trabaho dati at nagresign kalaunan dahil masyado siyang clingy. Nasa mga mid 30s na ang edad at ang rinig ko ay nakikipag relasyon nga sa mga empleyado niya.

Medyo hindi maganda ang huli naming pagkikita kaya medyo kinakabahan ako at baka ay bigla silang pumasok dito. The way he looks at me is still the way how it is the last time I saw him. Cringe.

Nalunod ako sa kung ano-ano ang pinag-iisip hanggang sa nag desisyon akong humiga at umidlip. Baka naman pagkagising ko ay nandito na si Irah.

Nagising lang ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan, amoy ko agad ang pabangong halos masaulo ko na kung kanino kaya alam ko agad na hindi si Irah ang pumasok.

Mariin kong pinikit ang mata at nagkunwaring tulog talaga when I heard his footsteps, I unconsciously stopped breathing and gulped.

Ayaw kong imulat ang mata dahil magiging awkward lang kami. Nang marining kong tumigil ang foots steps niya ay hindi na ako nakarinig ng ingay. I don't know if he got out or what.

Makalipas ang isang minuto ay wala na talagang ingay kaya sinubukan kong buksan ang kanang mata ko.

I almost jumped when I saw him standing malapit sa paanan ko. Nakahalukipkip na nakataas ang kilay at tila ako nahuli sa akto.

"Your acting sucks," nang-aasar siyang ngumisi at tumalikod. Bumangon ako at umupo habang siya naman ay hinubad ang suit at niluwagan ang tie.

Napapalunok akong nakatanaw sa swabe niyang galaw, buti nalang at nakatalikod siya kaya nang i-rolyo niya na ang sleeves ng polo at lumantad ang pinong braso ay iniwas ko na ang tingin.

I almost drool! What the heck Ziaren?

Nang makita ko ang oras sa cellphone ay nanlaki ang mga mata ko. Ala una na!

Saktong pagkababa ko ng cellphone ang pagkalam ng sikmura ko, napahawak ako doon at nalingunan si Luciel dahil sa kahihiyan. Umiinom siya ng tubig ng inikot niya ang mata papunta sakin.

Nasira ang katahimikan dahil sa pagkalam ng tiyan ko kaya awkward akong yumuko.

Tatawagan ko nalang muna si Irah bago ako kakain.

"No está hecho todavía?" (Isn't that done yet?) napalingon ako kay Luciel nang bigla itong magsalita akala ko ay ako ang kausap pero hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya, nakumpirma ko yun nang makitang hawak nya ang cellphone.

I already expected that he would ask me things right after we saw each other. Pero imbes na asahan ko ang paninita ay sinabihan niya lang ako kanina na bumalik dito. At ngayong nandito na siya ay hindi niya naman nababanggit pa, baka naman bumubwelo lang? Naghahanap ng magandang timing ng entrada niya?

"Envíalo inmediatamente," (Send it immediately) Dagdag niya. "Gracias." (Thank you).

Natanto kong nakikinig na pala ako sa kanya imbes na kunin ang cellphone at tumawag, namamangha akong nakinig sa lenggwahe nila.

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon