1st Person's POV
"You just said that you don't have anything to do for now, so I thought of calling you and go with us–" Irah continued her excuses. Hindi naman nagsasalita si Luciel at as usual madilim ang mukhang nakatutok sa daan na tila malaki ang kasalanan nito sa kanya. Halatang nagpipigil lang siya at ayaw magsalita kahit na iritado ito, dagdagan pa nitong tuloy tuloy na pagdadahilan ni Irah na sa tingin ko ay naiintindihan ko na kung ano ang pagtatalo nila.
"–So it's not my fault, Hermano. If you just did not–" (Hermano-Brother) Ilang minuto nang umaandar ang sasakyan kasabay nang pagtatalak ni Irah sa mga excuses niya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila at sa tingin ko'y ganon sila ka close para pigilan ang sariling magpasabog ng inis. Heto nanaman nga ako at nag iisip ng kung ano. May girlfriend si Luciel at si Christie iyon. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ito o ano.
"Irah Dean." Nagbabanta ang boses ni Luciel na halos pasigaw nang nagbabanta kay Irah dahilan upang matigil ito. Kita ko ang lalim ng pagsasalubong ng kilay nong lalaki sa Rear view mirror nang pasadahan niya nang lingon si Irah. Just 2 words and the whole car is at it's quiet state just as that.
"I.. did not.. lie," paliit ng paliit ang boses ni Irah na pagkakasabi.
"Really, huh?" he asked mocking at umiling "Ang sabi mo ay walang maghahatid sa inyo and you threatened me. Ginagago mo ba ako?" Uh-oh. Now he's voicing out, he really is pissed.
Now, we even feel more out of place dahil sa pagtatalo nila. Pakiramdam ko dapat ay wala kami dito. Ang awkward namin sa back seat at pinipilit na hindi marinig ang pagtatalo nila. At saka bakit naman kasi sasabihin ni Irah iyon?
Ren's POV
Salubong ang kilay ko habang nakatitig sa sasakyan maneuvering it's way sa parking lot. Nakarating na kami sa Hospital at nauuna na silang naglalakad papasok habang ako ay nagtataka pa rin sa nangyayari. Naiwan naman yung lalaki para mag park.
Luciel Ruego.
I know him. Of course, he's the one of the most successful and Influential Business Tycoon under age. He started leading their family business since he was 21. Too young for being the CEO. Too unusual in the world of business. Iilan iyon sa nababasa ko sa magazine dahil gulantang talaga ang mga tao sa anunsiyong iyon. Malapit ang kompanya ng pinag t-trabahuan ko sa Ruego Business Corp. dahil sa malaking investments nito kaya marami akong nalalaman tungkol sa kanila.
Pero ano ang ginagawa nila ni Irah sa Hacienda na tinutuluyan ni Ziaren? Nakapagtataka naman, ang akala ko lang ay dahil maimpluwensya si Irah dahil sa dugong nanalaytay sa kanya ay kaya niyang maka pasok sa Hacienda sa pag aakalang baka kaibigan nila ang may ari niyon. Nagulat nalang ako kanina nang makita si Luciel Ruego na nagmamadali para lang ipag drive kami?
Nasa elevator na kami habang nakatitig ako kay Ziaren na nasa harap ko katabi ni Irah. Limang buwang buntis para sa pera. How innocent is she? Sa tagal niya doon ay panong wala pa siyang nalalaman tungkol sa nangyayari sa kanya o kaya naman ay kung sino ang mga tao sa likod nito?
I need to talk to Irah. Sa tingin ko ay may alam siya.
Nang makarating kami sa lobby agad na may sumalubong sa aming dalawang nurse at kinausap agad si Irah na tinawag si Ziaren habang kinakausap yung dalawa.
Inakay nila kami sa isang kwarto at pinahiga na si Ziaren sa isang hospital bed. Nasa private room kami at may mga monitors sa kahit saan. Umupo naman kami ni Christie sa Red couch sa dulo ng kuwarto at nakatitig nalang din ako kay Ziaren. The nervousness is visible and she's seemingly agitated pero mas lamang sa itsura niya ang excitement.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...