Chapter 48

45 2 0
                                    


1st Person's POV

ILANG minuto lang naman kaming nasa ganoon ang posisyon, but I never expected that he would fell asleep.

Mulat ako kanina pa dahil ayokong matulog dahil baka pag nagising ako ay natatakot akong baka ideny nya yung nangyari, magigising ako sa bahay na aakalaing nanaginip lang.

Pero heto siya, bagsak sa bandang balikat ko habang ganoon parin ang posisyon namin simula pa kanina. Nakasandal ang likod ko sa pinto habang nakadagan siya sa akin.

Kanina pa ako medyo hindi komportable pero para siyang nasa sariling kwarto niya lang kung matulog ngayon.

Hindi ba siya nangangalay?

"I almost thought that I'll be given a live show awhile ago." biglang sabi ni Dior habang nag d-drive.

Pinandilatan ko siya. "Asa ka,"

He laughed. "Ooh, what a good place to sleep. He's literally sleeping in peace," pang aasar niya ulit matapos kaming lingunin mula sa rearview mirror.

"Isa pa, sasakalin kita."

He almost expressed a loud laugh kung hindi lang tulog ang amo niya ay baka dumagundong ang tawa niya. "But seriously, I'm glad that I can finally see him taking a good rest."

Hindi ako sumagot at hinayaan siyang magpatuloy.

"He doesn't sleep!" He exaggeratedly said. "I mean, natutulog pa rin naman siya. He's not a doctor para magpuyat but he's insomniac so madalas ko siyang makitang gising and pabalik-balik sa Spain."

Malumanay ang tingin ko na inilipat ang tingin kay Luciel at mahimbing na natutulog. He's still suffering.

Gusto ko siyang yakapin dahil unti-unti ko nang nararamdaman ang bigat na dinadala niya. Years of losing everything, his fiance, his daughter and ako pa ang may kasalanan noon.

Nakagat ko ang labi at tinanaw ang labas ng bintana.

"He actually doesn't have any reasons to stay here. He was supposed to stay in Spain for good,"

So what Ryosei said is almost true, pero sa part lang na iyon.

"Alam mo ba na his business here is just a—what you call this? Parang franchise? Tuldok lang ng yaman nila."

Bahagya akong namangha doon, pero at the same time ay hindi na rin nagulat. Alam ko naman na dati pa na hindi dito ang naturingan niyang tahanan.

Pansin ko rin kay Dior na medyo magaling na siyang managalog, noong mga nakaraang taon eh baka nga ni opo hindi niya alam.

"Why does he love this country so much?" Wala sa sarili kong tanong habang nakatanaw pa rin sa labas ng bintana.

Hindi ko akalaing mangyayari ito, para akong lumulutang kapag nililingon ko siya at nakikitang natutulog sa akin. Despite of what happened, of lying to him. I can't believe he would still touch me.

"It's not the country that he loves so much," seryoso nang sagot ni Dior.

Parang hudyat ng bell ang sinabi niya dahilan para maramdaman kong biglang bumilis ang pintig ng nasa dibdib ko.

It's his daughter, I knew he's always waiting for her.

At sino ako para ipagkait sa kanya iyon?

Apat na taon akong natakot. Apat na taon na ipinagkait kay Luciel ang pagiging ama.

Apat na taon kong pinagdusahan ang konsensya ko.

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon