Chapter 56

251 11 4
                                    

Nauna akong lumabas sa bathroom nang matapos ako. Kinuha ko ang robe na nakasabit at kumuha ng spare towel na hindi pa gamit sa closet at pumasok ulit sa CR para iabot sa kanya yun.

Kasalukuyan akong nagbibihis nang bigla siyang lumabas sa CR. Agad kong binawi ang robe at sinuot bago tumuloy na mag suot ng pants.

Nakalaylay sa lower part ng body nya ang towel at talaga namang mapapatitig ka sa abs niya habang naglalakad siya sa upuan sa di kalayuan habang nakatingin sa akin na nagtataka.

"Why are you acting like I haven't seen all'at?"

Nakatitig siya sa akin habang naka upo at nakapangalumbaba sa single couch.

Mahabagin. Napaka hot ng taong ito. Paanong ako palang nabubuntis nito?

Napasimangot ako sa naisip ko at sarili ko nalang din ang sumuway sakin. The hell I'm talking about?

Hindi ako nakasagot sa kakatitig sa buong katawan niyang nagsisituluan ang tubig sa abs at ulo.

Pinilig niya ang ulo sa kamay nyang nakapatong sa pisngi at napangisi na nang aasar sa akin.

"Cherish the view, Zia." Namula ako at iniwas ang tingin.

"Iniisip ko lang na wala ka tuloy damit." pag tataray ko.

"I actually brought some," binalik ko ang tingin sa kanya habang hinuhubad ang robe dahil tapos ko ng masuot ang pants at need kong isuot ang top ko.

Siya naman ngayon ang nakatitig sa akin. Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa nasabi niya.

"Just in case, I couldn't stay last night because of it." Sagot nya sa nagtataka kong mukha habang nag lilikot ang mata sa kabuuan ko.

"San mo nilagay, sa kotse?" Tanong ko.

"Hmm." Bored nyang sabi.

"I'll get it."

"No, it's okay." Tumayo siya.

"Alangan lumabas kang ganyan?"

"What's wrong with that?" Inosente nyang tanong.

"Makikita ka ng mga tao sa labas." Sambit ko kahit bihira naman ang tao nadaan dito.

"All they can do is to stare, Ziaren. You're still the one who can touch it anytime." Seryoso niyang sabi na tila hindi tunog nang aasar.

Bewildered. Tinalikuran ko siya. "Stay there," namumula kong sabi.

"How about the kiss?"

"Kiss?" Frustrated ko siyang hinarap.

Kanina pa to ah!

Inosente pa siyang tumango. "Kiss," pag didiin niya.

Saglit pakong natitigilan at nailang nang mabilis ko siyang halikan sa labi at tila nagulat pa siya.

I was about to leave when he grabbed my wrist.

Nakayuko siya na tila natatawang nakapikit at kagat ang labi.

"Ziaren.." nagtataka ko siyang tiningnan.

Ano nanaman problema nito?

"Susi.." sambit niya sa malambing na tono. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Keys.. susi." Dagdag niya.

Kiss... keys! Fck! Sana bumuka yung lupa at kainin ako. Hehe.

"Wait here." Nakatulala nalang ako sa kanya, umalis siya sa harap ko at bumalik siya sa CR na hindi parin naaalis sa labi ang multong ngisi.

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon