1st Person's POVNang magising ako at nakarinig ng ingay sa labas ng kuwarto ko ay agad akong lumabas at naabutan ang dalawang babae sa kusina na nagluluto at nag-aayos ng lamesa. At nang makita nila ako ay lumapit sila sa'kin at sandaling nag bow sa harap ko.
"Ang pangalan ko po ay Christie. Siya naman si Angeline. Kami po ang makakasama at tutulong sa inyo dito sa bahay." Sambit ng babaeng medyo mas maliit kesa sa isa. Ngumiti lang yung si Angeline sakin at pinagpatuloy ang pagluluto.
"I'm Ziaren." Ang tangi ko nalang sagot at tinulungan sila. Hindi naman sila umangal.
Pagkatapos kumain ay sinubukan kong maglinis pero inangalan na nila ako at pinilit na sila nalang ang gagawa noon. Nang magtungo naman ako sa harap at sinubukang magdilig ng halaman ay nagmamadaling lumapit sa'kin si Christie at inagaw ang watering pot sa kamay ko.
Nang maramdaman ko ang kaunting inis ay nagtungo ako sa likod ng bahay sa veranda. At nang buksan ko ang sliding door ay bumungad ang napakagandang tanawin. Kitang kita ko ang lawak ng buong patag na bukirin. May malapit na ilog din akong natatanaw at nang malingunan ko ang gawing kanan ko ay may nagsisilbing curved bridge mula sa magkabilang parte ng ilog. Mukhang low tide ngayon dahil kitang kita ang mga naglalakihang bato sa klarong tubig ng ilog Parang gusto ko tuloy na magtampisaw doon ngayon. Tanaw ko rin sa kabilang dako ang patag din at mga iilang puno sa kabilang parte ng tulay.
Napakaganda ng lugar. For 9 months ay dito ako mag s-stay at paniguradong mas relax pa sakin ang iluluwal ko dahil napaka presko at ganda ng paligid.
Bumalik ako sa loob at kumuha ng tuwalya at nagbihis ng t-shirt at below the knee na short saka tuloy-tuloy na lumabas. Inakit ako ng ilog kaya naakit akong maligo. Nang makalabas ako ng gate ay mas nakita ko ang ganda ng tanawin sa labas.
Ahh! This is heaven!
Nang marating ko ang ilog ay dahan-dahan akong bumaba sa cliff. At nang maramdaman ko ang lamig ng tubig ay napahagikgik ako sa tuwa. First time ko kasing maligo sa ilog kaya ignorante pa ako.
Lumangoy ako ng parang bata at sandaling nakalimutan ang lahat. Na para bang wala akong dinadala, ang sarap lumangoy! pakiramdam ko kasabay ng agos ng tubig ang mga problema ko na nawala.
Nang mapag desisyunan kong umahon ay natanaw ko sa kabilang parte yung mga matatayog na puno. May nakita rin akong mga puno ng mangga kaya natakam ako at sinubukang tumawid doon at dumaan sa tulay.
At nang marating ko ang puno ay hindi ko naman alam kung paano kukuha dahil hindi ako marunong umakyat, pero dahil gutom ako ay sinubukan kong itapak ang paa ko sa puno nang makarinig ako ng yapak.
Bumaba ako at sinilip ang bandang likod ng puno at nakita ko doon si Zoren na may sinungkit na mangga wearing his usual outfit na t-shirt at sweat pants. Napatingin siya sa'kin at ngumiti ng malawak.
"Nakita kitang naghihirap, kaya ito." Inabot niya sa'kin ang nakuha niyang dalawang hilaw na mangga. Kaya mas naamoy ko ang bagong ligo niyang amoy.
"Thank you," Tinanggap ko iyon at tinitigan siya dahil nahuli ko siyang nakatitig sa tiyan ko. "Kanina ka pa dito?" tanong ko dahilan para umangat ang tingin niya sa'kin.
"Nakita kitang tumawid sa tulay kaya sinundan kita," Sagot niya na nanatiling malawak na nakangiti.
"Hmmn, natakam kasi ako sa mangga." Sagot ko naman. "Buntis kasi ako," dagdag ko.
"Hmm." Mukhang alam niya na ang tungkol doon dahil hindi na siya nagulat, halata rin sa pagsulyap-sulyap niya sa tiyan ko. Oo nga pala at nabanggit niya kagabi.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...