1st Person's POV
"EXCUSE us madame and sire. Sorry for the interruption but we're with the lady in the blue dress and pardon us for being late." Sinabi iyon ng lalaking unang pumasok na may matigas na ingles at tila banyaga pero ang mata ko ay nakatitig lang sa lalaking nakatayo sa tabi nito. Ramdam ko rin ang titig niya sa'kin na halos nilulunod ako sa sobrang lalim niyon. I also can see that he's not pleased with everything that is happening and I think I know why. His jaw is clenching at nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng pants, lahat sila ay naka pormal at tila galing pa ng opisina sa ayos nila.
Paano niya nalamang nandito ako?
Ang matalim niyang titig sa akin ay hindi natanggal kaya sa huli ay ako rin ang bumawi non at yumuko sa dalawang matanda na nagtataka sa bagong dating na mga bisita.
"Can we come in?" kaswal na tanong ng lalaki na tila walang tensyon ang nagaganap.
Tumango si Mr. Kho.
"Eto na nga ba sinasabi ko," rinig kog bulong ni Ren sa tabi ko, hindi ko naman magawang iangat na ang tingin dahil hindi ko alam ang gagawin. Paano niya ako nasundan? Bakit siya nandito?
"Naiwan ko palang bukas ang gate ma'am," sambit ng kasambahay at yumuko, tiningnan lang siya ng masama ng mag asawa at binalingan ang bagong dating na bisita.
"Magaling kang pumili Ziaren," inangat ko ulit ang tingin kay Mrs. Kho at nakangisi siya gawing katabi ko. Nang malingunan ko iyon ay nakita ko ang kunot noong mukha ni Luciel na nakatingin din sa matanda. "Sino ba sa kanila ang napikot mo?" tanong niya dahilan para magtagis ang bagang ko. Humakbang si Ren na tila may sasabihin pero napigilan ko siya.
Kahit kailan talaga ay marumi pa rin ang tingin nila sa'kin.
"Sa tingin ko ay itong katabi niya. Pamilyar siya at mukha ngang mayaman," sagot ni Mr. Kho sa asawa.
"Nagamit mo rin ang ganda mo hija, Tingnan mo at nabuntis ka agad." nagtawanan ang dalawa na parang wala sa harapan nila ang pinag-uusapan nila. Nang iangat ko ang tingin kay Luciel ay nakababa na pala ang tingin niya sakin at nakasimangot at tila hindi nagugustuhan ang naririnig.
Naibaba ko ang tingin ko at hindi alam ang sasabihin saka nakagat ang sariling labi, sanay na akong makarinig ng ganito mula sa kanila ngunit bakit parang sobrang nanliliit ako sa sarili ko? To think na may ibang tao ang nakakarinig ay parang gusto ko nalang lamunin ng lupa.
"Ziaren, papatulan ko na to," sambit ni Ren sa tabi ko na alam kong narinig ng dalawa.
"Senyorito?" Biglang saad ng kasama ni Luciel sa kanya na tila humihinging permiso.
"We should go," Luciel declared.
"Aalis? Hindi ka makaka alis Ziaren hanggat hindi ko nakukuha ang pera ko." si Mrs. Kho.
"Dior will handle it." sagot niya na tinutukoy ang kasama niya "You take care of this, bilhin mo sila kung gusto mo." aniya saka siya tiningnan ng masama ng mag-asawa. "Excuse us," dagdag niya saka niya ako hinawakan sa wrist at naglakad.
"Teka, paano si Ren?"
"Dior will take her home,"
Nakalabas na kami ng gate ng hilahin ko ang kamay ko mula sa hawak niya. "Teka nga muna, paano mo nalaman kung nasaan ako?"
"Get in the car first, I am still pissed of what you did woman." binuksan niya ang unang itim na kotse, may isa pa kasing kotse sa unahan nito.
Saglit pa akong nagdesisyon kung papasok ba o hindi habang nakasimangot na nakatingin sa kanya bago tuluyang pumasok.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomanceZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...