1st Person's POVSumapit ang gabi na walang nangyari sa paghahanap ko sa naiwala ko. Sobrang hirap maggagalaw lalo na at may malaking umbok sa harap ko. Nakakapagtaka lang talaga na nawala nalang iyon bigla. Mukha pa namang mamahalin iyon, hindi lang mukha mamahalin talaga!
Sapo ko ang noo habang hawak hawak ang sinapupunan ko na nakahiga. Ganito ang ginagawa ko paminsan-minsan kapag hindi pa inaantok. Pinagmamasdan at pinakikiramdaman ko ang tiyan ko simula ng mapansin kong mas nag dedevelope na siya at nakakaramdam ng kung ano sa loob na tila ito gustong lumabas o parang nag iikot ikot siya sa loob. Minsan ay masakit o kumikirot pero keri naman.
Kasalukuyan akong nag t-trace ng bilog sa tiyan ko gamit ang daliri nang biglang may pumasok kaya medyo nagulantang ako.
"Angeline," nagtataka kong banggit sa pangalan niya at nang makita niya ako ay nagugulat itong tumingin.
"A-akala ko po ay tulog ka na. Papatayin ko ho sana ang i-ilaw," nakayuko nitong saad.
"Matutulog na rin ako maya-maya ako na ang magpapatay," tumango lamang siya sa sinabi ko at nahihiyang umalis.
Napanguso naman ako sa nangyari. Madalas niya bang ginagawa iyon? Nakaramdam ulit ako ng gutom kaya naman napag desisyunan ko ulit ang dumiretso ng kusina at maghanap ng makakain, ganito kasi talaga ako kapag gabi. Ewan ko ba gabi-gabi na akong nag c-crave ng kung ano ano. Perks of being pregnant, probably.
Nang makakita ng banana flavored yogurt sa ref ay sa veranda ang tinungo ko at doon kumain. Mas masarap kumain kapag maganda ang tanawin. Napa ngisi ako sa naisip.
I never thought na despite of my situation ay nakakangiti pa ako ng ganito. Like, being pregnant is a normal thing and being someone who is sold to carry someone's child is not a big deal. It is for me tho. But, I just thought that nothing's gonna move forward positively if I think of negatives. As time passes, I absolutely accepted everything and thought of what is the best for me.
Hindi ko na namalayan ang oras sa pagmu muni muni at ang pagtanaw ng tanawin dito sa labas at batid kong nagtagal na rin ako. Safe rin naman dahil halos kakilala ko na ang mga tao dito sa hacienda, hindi tulad doon sa manila na kahit nasa loob ka ng bahay ay delikado parin.
Pa ubos ko na rin ang kinakain ko nang marehas na bumukas ang sliding door sa likod ko.
Gulantang kong nilingon iyon at kinilabutan nang pares ng matatalim na itim na mga mata ang agad na nahagip ng mata ko paglingon ko.
Ano nanamang ginagawa nito dito dito?
Alam ko ang ayos ng buhok niya kaya alam ko agad na nagulo iyon dahil sa di ko alam. Marahas ang pagtaas baba ng dibdib nito at paghinga at kita ko sa kanya na pilit niyang hindi iyon ipahalata. His jaw is clenching and he really look so frustrated at something. His eyes are looking at mine intensely-no more like being angry at something at hindi ko alam kung ano nanaman ang ganap niya. Gustong umawang ng bibig ko dahil sa kahit nasa ganong itsura siya ay napaka gwapo niya parin. Don't get me wrong, hindi ko siya gusto. Sadyang na g-gwapuhan lang ako.
"W-what- A-anong ginagawa mo dito?" Why the hell are you stuttering Ziaren Ckaira Corvado?
Ibinaba niya ang kamay na nakahawak sa sliding door at kinalma ang sarili. He still look so pissed as he crossed his arms at sumandal sa pinto. Tinitigan niya ako at pinasadahan ng tingin mula ulo pababa saka huminga ng malalim at umiwas ng tingin.
Ano problema nito? Kunot ang noong tinitigan ko siya pabalik.
"They called me coz they thought you're at it again. Escaping." Iritado niyang sabi.
BINABASA MO ANG
The Million Dollar Woman
RomantizmZiaren's miserable life started since her mom delivered her into this world, and died right after she was delivered. Aside from growing she also realized that the changes of her father is worsening. Didn't miss nights without drinking and smoking. A...