Chapter 34

386 25 4
                                    

1st Person's POV

Sinubukan ko itong abutin pero ganun nalang ang gulat ko nang bigla niya itong iniwas mula sa akin.

"I'll keep this for the mean time," bawi niya at saka binulsa sa loob ng coat niya ang kuwintas.

The hell is he thinking?!

"What are you talking about, gimme that." I tried to lower my voice.

Hindi niya ako pinansin. Kinalikot niya ang sariling cellphone at may tinawagan.

"Mr. Ruego, hindi ako nakikipag biruan." dagdag ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?" he replied with a serious face nasa tainga ang cellphone.

"Dior.. where's she?" tanong niya sa kausap.

Si Angeline ba ang tinutukoy niya?

"Dejala ser, Si pasa algo llámame. I'm coming," (Let her be, if something happens, call me.)

"Ibigay mo sakin ang kuwintas ko," Sambit ko, matapos niyang ibaba ang tawag.

"I will, but not now."

"Kung trip mo yung kuwintas ko, bumili ka ng iyo. Pwede ka namang magpa gawa, you can even buy necklaces more expensive than mine,"

Hindi siya sumagot, bagkus ay parang lumalim ang iniisip niya at kumunot ang noo.

"Tell me.." seryoso niyang simula. "What did she told you?"

Napaka imposible niya!

"Wala siyang sinabi sakin," I lied. Iniwas ko ang tingin, at matagal bago siya nakasagot.

He sighed. "I hate it when people think I'm stupid to believe their bullshits, what did she told you?"

Nilingon ko siya at inaalala ang sinabi ni Angeline kanina.

Sino ka ba talaga?

May kinulong ba talaga siya sa Hacienda? Bakit parang sa inaasta ni Angeline ay hindi maganda ang pakikitungo nila sa isa't isa? Ano bang nagawa nila? Ano namang ginawa ni Luciel?

"Tititigan mo nalang ako?" tanong niya.

Ilang sandali pa bago ako naglakas loob na sumagot. "Ano bang nagawa niya sa'yo Luciel? Why does it seems like something's going on?"

"She really did fed you some bullshts," mahinahon niyang sabi, ni hindi niya sinagot ang tanong ko!

Hindi ako sumagot. Bahala siya diyan, iniinis niya ako.

Matagal bago ko natanto na ang daang tinatahak namin ay hindi pamilyar sa akin. Hindi ko naman na binanggit dahil baka dumaan lang kami sa shortcut o ano.

Pero nagbago iyon nang tumigil ang isang sasakyan sa isang puti at magarang bahay.

Bumaba si Luciel at pinagbuksan ako ng pinto ng Driver, nagtataka man ay hindi ako nagsalita. Pinagmasdan ko lang ang paligid, presko ang lugar. Madilim man pero masasabi kong maganda ang buong lugar maraming puno at iilan lang ang bahay. Natatangi din ang bahay sa harapan ko, simple pero malaki.

"May sadya ka ba dito?" hindi ko mapigilang magtanong. Nag-iiba ang kutob ko habang naglalakad papunta sa malaki at itim na gate.

"Hindi," tipid niyang sagot. Nilingon ko siya dahil sa poor grammar niya sa pagtatagalog, halos matawa ako dahil nagkakamali din pala itong isang to.

Nang makapasok kami sa loob ay tama nga ang hinala ko. Walang nakatira dito at lahat ng gamit ay nakatabon sa kanya-kanyang puting tela na isa-isa naman niyang tinanggal matapos niyang buksan ang mga ilaw.

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon