Chapter 7

328 11 0
                                    

1st Person's POV

"Dehydration and starve caused her to faint, don't worry the baby's safe. She just needs to eat, kulang din siguro siya sa tulog base sa nakikita kong pagod sa kanya." I heard noises. Pero hindi ko matukoy kung nananaginip ako o gising na ba. Ang alam ko ay natutulog ako at ayoko pang bumangon. I badly want to sleep. Sanay naman akong magpuyat pero iba na kasi ang sitwasyon ko ngayon.

"Let her rest. Make her eat once she's awake, hindi siya nabuntis para gutumin ang anak ko." A man's voice came. I really am too sleepy to care where are the voices coming from.

I heard a laugh. "You're being rude."

A long silence passed.

"I have to go, send me updates and when she will be discharged. I want my baby healthy Alyanna."

"Of course, take care Luciel."

I really am dreaming.



"Ziaren. Zia. Ziaren Corvado wake up." Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay rinig  ko ang malakas na boses ni Renee at ang pag aalog niya sa'kin.

"Hmmn." I shifted at tinalikuran siya.

"Gumising ka nga! Nasusunog bahay niyo!" Napabalikwas ako ng bangon at hinarap siya.

"Ano? May bahay ako?" Nawalan ng ekspresyon ang mukha niya at may kinuhang tray ng pagkain sa side table.

"'Raulo." Bulong niya. "Kumain ka! 14 hours kang walang kain simula kagabi at prutas ang kinain mo kanina."

"5 minutes," sambit ko at muling humiga.

"5 minutes?! Wala pang kain anak mo, 5 minutes?!" Sigaw nito dahilan upang bumangon ako.

"Anak ko?" Wala sa sarili kong tanong at napahawak sa tiyan ko ng maalala ko ang nangyari. Oo nga pala at may nabubuhay na sa tiyan ko, naalala ko pa nga ang pagkahimatay ko.

"Gusto sana kitang i-congrats pero parang ang weird. Congratulations Z, you're blessed, " sagot niya. Blessed bang matatawag ito?

"Kakain ako," kinuha ko ang tray at nagsimulang kumain.

Everything felt so surreal. Para akong lutang at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Anong feeling?" tanong ng kasama ko sa kwarto habang kumakain ako.

"Na?"

"Feeling of being pregnant? Pakiramdam mo ba may parang dumi sa tiyan mo?"

"Hmp!" Muntik ko nang maibuga ang pagkain sa bibig ko at tinignan siya ng masama.

"Sorry," she peace a sign. "So, ano nga?"

"Walang parang dumi sa tiyan ko! Ewan ko, basta! pakainin mo muna ako, okay?"

"Hay naku, ang buntis." Naiiling nitong tugon at inilapit ang mukha sa tiyan ko. "Baby, wag mong tularan nanay mo ha? Wag kang magmamana sa kanya. Sa'kin ka mag mana. Mabait na maganda pa, saan ka pa diba? Wag ka diyan sa nanay mo ha? Masama ugali niyan niaaway niya ako palagi. Dapat good lang tayo ha? Wuv you,"

"Tumigil ka nga. Masamang impluwensiya ka sa lipunan kaya walang mag mamana sa'yo," Batok ko sa kanya.

"Masakit ha! Hoy buntis! baka nakakalimutan mo na I'm here when you needed him the most!" Pag d-drama nito at napailing nalang ako.

"Ate Z?" Bumaling ang atensyon ko sa pintuan at medyo nagulat nang makita ko si Irah na nakatayo doon. May dala itong plastics na mga pagkain ata ang laman.

The Million Dollar WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon